PAUNAWA: Ang makikita sa baba ay "hindi dapat gayahin"... Ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa yan kung hindi pa halata sa larawan.
Mayo 3 - ito siguro ang tamang desisyon, kung "price action" lang ang basehan. kung sa ulap naman, kailangan muna nyang lumusot nang buo sa baba.
Mayo 7, 8, 9, 15 - mga maling maling desisyon kasi... wala pa namang "MACD crossover", 9 at 15 ay nasa baba na ng ulap... sa pagkakaalala ko, "inip" ang dumali sa akin dito... isa pa ang "hope"... dapat wag umasa sa malabo...
✌😂☕
Mayo 17, 22 - pareho sa nakaraang mga araw, "hope" din dumali sa akin, yung hope na "bull trap" di nangyari, mas maigi kung bumili na lang, o walang ginawa... sayang.
Mayo 24 - "rejection" ni tekan sen, sa tingin ko, tama rin itong desisyong ito sa tulong din ng "MACD crossover", mas mataas na "green volume" sa nakaraan kumpara sa sumunod na "red volume"...
Mayo 28 - ayos lang din ito, dapat nilagay na lahat sa equity sa mga panahong ito...
Mayo 30 - wag maliitin ang nagagawa ng "fear" ayan o napabenta ang utaknewbie.
✌😂☕
SA HULI - ang pinakamaling nagawa sa bwan ng Mayo ay "overtrading"... imbestor pero "overtrading"
✌😂☕... maling mali. siguro kung ang ginawa lang ay BENTA ng Mayo 3 at BILI ng Mayo 24, mas maigi pa sana...
Magiiwan ako ng isang "words of wisdom" na napulot ko sa investagram, ctto...