Pages

Tungkol sa Utak Newbie

Ano ka? Newbie? O utak newbie? Ano ba pagkakaiba? Anong kagandahan ng pagiging utak newbie? Ano yung mga bagay na mukhang hindi maganda sa pagiging utak newbie?

Newbie. Baguhan. Nagsisimula pa lang. Maraming hindi alam. Uhaw sa kaalaman. Dagdagan ng utak. Bukas ang isipan, pero may sapat na kontrol sa kung anuano ang paniniwalaan. Hindi basta tanggap ng tanggap. Pinag-iisipan ang isang ideya bago ipasok sa sariling sistema. Nakikinig sa mga maraming alam pero sinasala at ninanamnam.

Kapag utak newbie ka, tinatanggap mo ang katotohanang ibaibang ideya ang matanggap mo. Minsan nagkakabanggan. Kaya kailangan na alam mo ang gusto mong patunguhan. Nagbabago ka ng pamamaraan, ngunit laging binabalikan ang nais puntahan. Yung pamamaraan, hindi padalusdalus. Ang mungkahi, di bastabasta ginagawa. Pwede naming magbago ang gustong patunguhan. Pero kailangan ng mas maraming oras, pagisipan ng wagas.

Ang utak newbie, hindi ligtas sa pagkakamali. Tuloy lang. Balik ulit sa dahilan. Minsan sa sobrang tuwa sa ginagawa, maaari nating ipagsabi ang ating opinyon na para bang katotohanan. Minsan, masasabi mong, ang ginagawa mo ang pinakatamang daan. Dahil dyan, maaari kang pagtawanan o pagsabihan. Kapag inumpisahan nilang tapunan ka ng kung anuano, wag ka bibigay. Panatilihin ang utak newbie, maging uhaw sa kaalaman. Yung mga pinagtatapun nila sayo, tingnan mo… baka may mapulot kang kaalaman. Wag ka mainis dahil lang sa parang di ka tanggap. Pulutin mo. Yun o, magandang ideya yun. Di lang maganda pagkakasabi… pero uhaw ka di ba? Inumin mo.

Habang tumatagal ang paglalakbay, baka isipin mong… ayaw mo nang maging utak newbie… eksperto na ako… ako si superman! Wag ganoon, habang dumadami ang alam mo… magpakauhaw ka pa. Marami pang magtatapun sayo. Marami ka pang mapupulot na ideya. Yung di makakatulong, hayaan mo na… gamitin mo ang pagiging utak newbie para makapili ng maigi. Dahil yung mga yan, magagamit mo para sa iyong kaunlaran.

Kaya ang blog na ito ay para sa mga tulad kong utak newbie. Ibaiba man tayo ng bilis sa pagkatuto at aminado akong mabagal ako (slow-learner, mediocre o may joker, emoticon), para ito sa lahat ng utak newbie – UHAW SA KAALAMAN, MAPANURI, HANDANG MAGKAMALI kapalit ng karunungan. BEAR COFFEE. Ang mga nabanggit na paglalarawan ay maaaring magbago nang walang pasantabi.

No comments:

Post a Comment