Ayon sa google, ang lump sum ay “a single payment made at a particular time, as opposed to a number of smaller payments or installments”. Kung sa imbesment, minsanang paglalagay ito ng pundo. Tingnan natin kung kumusta ang pamamaraang ito (lump sum) sa PSEi o SBPSEQF (isang non-index equity fund).
May tatlong “particular time” tayong titingnan. Disyembre 29, 2017 para sa year-to-date. Tingin din tayo ng simpleng indicator pero sa mata ng halos wala pang alam. Tapos, kunwari nataymingan ang kasalukuyang pinakamababa.
Year-to-Date
Ang PSEi ay nasa 8558.42 noong Disyembre 29, 2017. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 7151.52 na. Yan ay -16.44%. Kaya kung naglumpsum ng Php100k, meron kang Php83,561.22 na paper asset. Meron kang Php16,438.78 paperloss sa halos sampung buwan.
Kung sa SBPSEQF naman, nasa 2.454611 noong Disyembre 29, 2017. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 2.148068 na. Yan ay -12.49%. Kaya kung naglumpsum ng Php100k, meron kang Php87,511.54 na paper asset. Meron kang Php12,488.46 paperloss sa halos sampung buwan. Malakilaki rin ang paperloss, dahil yan sa halos tuloytuloy na pagbaba ng merkado. Ibang kuwento kapag paangat na. Pwede mo namang isiping papergain ang paperloss, kung pataas sana ang merkado.
MACD ng halos wala pa masyadong alam
Kung sisimulan ko mula Disyembre 29, 2017 at umasa ako sa MACD para sa pagpasok base sa alam ko ang petsang pagpasok ko ay Abril 5, 2018.
Ang PSEi ay nasa 8022.16 nang petsang yan. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 7151.52 na. Yan ay -10.85%. Kaya kung naglumpsum ng Php100k, meron kang Php89,147.06 na paper asset. Meron kang Php10,852.94 paperloss.
Kung sa SBPSEQF naman, nasa 2.323154 nang petsang yan. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 2.148068 na. Yan ay -7.54%. Kaya kung naglumpsum ng 100k, meron kang Php92,463.44 na paper asset. Meron kang Php7,536.56 paperloss.
Medyo mas mababa ang paperloss, pero kung mas kabisado sana ang mga indicators, baka mas maliit pa dyan. Baka nga papergain pa.
Kasalukuyang bottom ng taon
Di ko sinasabing ito ang bottom, di ko rin sinasabing hindi ito ang bottom. At wala akong sasabihin tungkol dyan.
Ang PSEi ay nasa 6884.38 noong October 11, 2018. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 7151.52 na. Yan ay +3.88%. Kaya kung naglumpsum ng 100k, meron kang Php103,880.38 na paper asset.
Kung sa SBPSEQF naman, nasa 2.082154 noong October 11, 2018. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 2.148068 na. Yan ay 3.17%. Kaya kung naglumpsum ng 100k, meron kang Php103,165.70 na paper asset.
Kung alam lang natin kung nasaan ang bottom kada taon…
Lump Sum Pinto o Lump Sum Milby?
Base sa nakikita ko, kapag gumamit ka ng lump sum, pinakamatindi ang epekto ng merkado sayo. Ramdam na ramdam mo ang paglipad at pagbagsak. Maganda ang epekto nito kung pagkatapos mong maglump sum ay pataas na ang merkado hanggang maabot mo ang itinakda mong panahon o return-on-investment. Ngunit, hindi ito maganda sa pagbaba ng merkado. Napapansin natin kung paano kinakabahan mga imbestor kapag bumababa ang merkado.
Hindi masama ang pag lumpsum, pero kapag gusto mong mas malaki ang potential na return-on-investment, kailangan talaga araling mabuti bago sumabak. Kung kunti pa lang ang alam sa merkado, mas maganda ang iba pang pamamaraan para lang makabisado ito. Ano ba ng ginagawa mo kung di mo sigurado ang tubig na lulusungan mo, kung mainit ba o malamig? Di ba pakikiramdaman muna ito?
Tanong ng utak newbie… ano sa tingin mo?
No comments:
Post a Comment