Pages

Saturday, February 16, 2019

February 15, 2019 Philippine Stock Exchange index 7908.89

paunawa: ang blog na ito ay mula sa utaknewbie kaya ang mababasa nyo ay suriin mabuti. walang nirerekomenda ang artikulong ito.

nitong linggo, Pebrero 11-15, 2019 ay tila bumaba ang PSEi sa puntong may mga nagbebenta ng kanilang mga investments. nagsimula akong magbenta sa una at pangalawang linggo dahil sa pagiging overbought ng CCI. pero lumalabas na tataas pa ang index kaya ibinili ko muli ang naibenta. ang natutunan ko noon ay dapat gamitin ang naituro ng iba – mainam na gamitin ang MACD kasabay ng CCI. kaya nakapagantay ako ulit hanggang umabot sa 8100. ganun din pinagiisipan ko nang “kumilos” lamang tuwing “weekend”.

ngunit nitong linggo may nabubuong “selling pressure’. tulad na lamang ng NFBS na umabot sa -246M pagkatapos ng halos 20 araw na “buying”. dahil dyan, subukan ng utaknewbie aralin kung ano pinapakita ng 1) price action, 2) Ichi Moku Kenko Hyu at 3) CCI.

Daily Candle

*price action nasa baba na ng “blue line” tenkan sen(?) at “red line” kijun sen(?) sa CCI… galing sa overbought level ang CCI at napunta na sa oversold level… pumailalim na ang “blue” MACD line sa “red” signal line at pababa pa rin ang dalawa.

pansinin ang MACD ng chart sa taas. pumailalim ang “blue line” sa “red line” bago pa matapos ang Enero at “downtrend” ang parehong linya. base sa aking mga nababasa kapag pumailalim ang “blue line” sa “red line” ay signal na para magbenta. pero pwede ring “signal” yun para tingnan ang iba pang indicator. ang PSEi sa mga panahong yan ay nasa mga 8000. ngunit sa ibang pagkakataon ay bumabalik din agad ang “blue line” sa ibabaw ng “red line”.

samantala, nagumpisa nang mapunta sa overbought level ang CCI ilang araw mangyari ang signal sa MACD. ayon din sa aking nabasa, kapag bumalik na sa “shaded area” mula sa overbought level ay “signal” na rin para magbenta. ngunit, tulad ng sa MACD, may mga pagkakataong bumabalik sa overbought level ang CCI. pansinin lang ulit na dumeretso na sa oversold level ang CCI at kasalukuyang nasa oversold level pa rin.

sa Ichi Moku naman, ang “price action” ay nagsara sa baba ng “blue line” (tankan sen?). ayon sa nabasa ko, pwedeng ituring yan na “dynamic support/resistance” pero sya ang pinakamahina sa lahat. may mga pagkakataong nangyari yan simula nung Disyembre 2018 pero “uptrend” nung mga panahong yun. samatala nagsara naman sa baba ng “red line” (kijun sen?) ang price action. hudyat na yun para pagaanin ang investment. bakit hindi redeem lahat? dahil pwedeng bumawi pataas. kaya kung may naiwan pa, bahagi pa rin ng investment moa ng lalago. pero kung tuluyang bumaba, ang bahagi ring yun ang mababawasang ng halaga.

kung tutuusin, nagbigay na ng senyales ang MACD at CCI noong nakaraang linggo. pero di pa sapat para tuluyang ibenta lahat ng investment. sa Ichi Moku naman, pwede ring magantay na magcross ang tenkan sen at kijun sen bago kumilos. pero kung nangyari yun baka lumusot ang “price action” sa cloud (moku) na baka humantong ulit sa “bear market”… huwag naman sana.

ano ang posibleng mangyari? hindi ko alam… pero kung magcross nga ang tenkan sen at kijun sen, baka umabot ang PSEi sa 7800 at kung tumalbog sa ulap ay pwede na ulit matuwa… sa akin, magandang bumalik at dagdagan pa ang investment… syempre wag ako gayahin kung di pa napagaaralan. kung di naman tumalbog sa ulap ay baka umabot tayo sa 7500 – mga 7-8% din mula 8100. pansinin din ang iba pang chart sa baba…

4-Hour Candle

*nagcross na ang “blue line” tenkan sen(?) at “red line” kijun sen at ang huling “candle” ay nasa loob na ng ulap… ang CCI ay nasa oversold level… ang “blue” MACD line ay nasa baba ng “red” signal line at parehong nakaturo sa baba.

Weekly Candle

*nasa taas pa ng dalawang “sen lines” ang price action pero kasalukuyang nagsara ito sa loob ng ulap… kakapasok pa lang ng CCI sa “shaded area” mula sa overbought level… nasa taas ng “red” signal line ang “blue” MACD line.

at bago magdesisyon, lalo kung hindi sigurado kailangang tanggapin ang katutuhanan na paglabas mo posibleng umakyat na at kapag pumasok ka posible ring bumaba… at lahat ng sinulat ko dito ay pawang kathangisip lang. ang mga chart ang makakapagbigay ng “hint” kasama na rin ang “goal” nyo para makagawa ng mainam na pagpapasya… at kung may napansin kayong maling “term” o maling natutunan, ipagbigay alam lamang.

at bago magdesisyon, lalo kung hindi sigurado kailangang tanggapin ang katutuhanan na paglabas mo posibleng umakyat na at kapag pumasok ka posible ring bumaba… at lahat ng sinulat ko dito ay pawang kathangisip lang. ang mga chart ang makakapagbigay ng “hint” kasama na rin ang “goal” nyo para makagawa ng mainam na pagpapasya… at kung may napansin kayong maling “term” o maling natutunan, ipagbigay alam lamang.🐻☕

No comments:

Post a Comment