Pages

Sunday, May 17, 2020

Bond Fund Review Case C – kapag ang interest rate ay “pataas” (rate hikes)


ang nakaraans –

ulit ng makulit –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
may “fluctuations” pa rin kaya isasama natin sa pagaaral na to

ulit – para lang ito sa malilikot…

ito ang “case C” kung saan ang interest rate ay pataas mula 3.25, 3.5, 4, 4.5, 4.75, maliban sa huling araw na bumalik sa 4.5 (“rate cut”)…

tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) mayo 11, 2018 – pebrero 7, 2019

sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.60, pinakamababa sa 1.51, pinakamataas sa 1.64 at nagtapos sa 1.63… kita natin ang 2 pares ng “trend”… ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…

tsart 2 – bersyon 1 “the holder”

sa tsart 2 kita ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case C”, pansin nyo na umabot sa -5.60% ang paperloss…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 560.00
market value – 9,440.00

kung walang problema sayo ang ganyang paperloss, kakayanin mo hanggang matapos ang “case C”…

pero tandaan na kapag nagbabase ka lang sa galaw ng “interest rates” di ka na dapat pumasok, dahil pataas ito (rate hike)

e pano kung tinuloy mo pa rin at tinapos ang “case C”? magkakaroon ka ng +1.79% na “return”

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 179.00
market value – 10,179.00

“worth it” ba sayo ang posibilidad na kumita ng +1.79% kasama ang posibilidad na magkaroon ng paperloss na -5.60%? kung hindi, maiging iwasan ang bond fund tuwing “rate hikes”… “at all costs”…

ano pa nga ba ang susunod? e di yung kamaganak ni madam auring…

tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”

tulad ng dati sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… may 2 pares ng “trend”… kaya may dalawang pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3, ito ang mga “returns” natin – 2.35% at 9.02%... kung walang “compounding”, nasa 11.37% ang “return” natin…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 1,137.00
market value – 11,137.00

hanapin na ba natin si madam auring?..

lipat tayo sa bersyon 3…

tsart 4 – bersyon 3  “the reactor”

base sa tsart 4, “the reactor” ang “returns” ay 0.58%, at 6.58%... pag pinagsama, nasa 7.16%...

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 716.00
market value – 10,716.00

aral, “caveat” at mga payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case C” gamit ang 10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 10,179.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 11,137.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,716.00

ginawa lang natin ang bersyon 1 para makita ang “return” pero kung sinusunod mo ang galaw ng “interest rates” di na dapat nangyari yan…

pero… yung “the reactor” mukhang pwede sya sa tatlong nagawa na natin… mula “case A”, “case B” at kahit pa may “rate hike” sa “case C”… tingin nyo?

subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…

hanggang sa huling case… tinginingining…

No comments:

Post a Comment