kung babalikan natin kung saan nagsimula ang pagaaral na to…
mapapansin na pagkatapos ng “trend B” ay umangat pa ang navpu ng sbpsuit (sb
peso bond fund)… di natin sinasabi na mangyayari ulit ang “trend” na yan
sakaling mapatid na ang sunod sunod na “rate cuts”… pero ayos na rin na isama
natin sa “review”…
ulitin ko lang – di
natin sinasabi na mauulit ang “trend B” pagkatapos ng sunod sunod na “rate cuts”
ang kasunod na tsart ay ang “interest rates” ayon sa bsp
(banko sentral ng pilipinas) mula setyembre
13 2012 hanggang hulyo 31 2014…
inumpisahan natin ito bago ang pinakahuling “rate cut” hanggang sa pinakaunang
“rate hike” (o pagkatapos ng “trend B”)
sinusundan ito ng tsart ng navpu ng sbpsuit sa parehong taym
prem… nagumpisa ito at pinakamababa sa bandang 1.36, pinakamataas sa 1.71, at
natapos sa 1.57… 4 na pares ng “trends” ang isasama natin sa pagaaral…
bersyon 1 – “the
holder”
ang tsart naman sa mismong baba ay nagpapakita ng “return on
investment” ng kada navpu ng sbpsuit… umakyat ito sa 25.23% pero natapos ito sa
15.33%... kung iisipin, sayang ang halos 10% na nawala mula sa pinakamataas
(kaya wag na lang isipin), pero nakakatuwang malaman na walang “significant
paperloss” na nangyari… umabot lang ito sa -0.47% (tuwa)... kaya ayos din na
patapusin ang taym prem na ito…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 15.33%
market value – 11,533.00
bersyon 2 – “the
fortune teller”
tulad sa mga nakaraang pagaaral, “bolang kristal" ang ginamit dito… pero di tulad sa mga nakaraan, isinama natin dito ang “potential loss”… ito ang lumabas sa “bolang Kristal” – +25.23%, -9.20%, +4.77%, -4.61%, +3.94%, -5.61%, +4.28%, at -1.81%... kung kukunin lang natin ang mga “gains” umaabot yan sa +38.22%
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 38.22%
market value – 13,822.00
bersyon 3 – “the
reactor”
base sa tsart sa baba, ito ang mga “returns” – +22.70%, +2.20%, +1.54%, +2.20%... umabot ito ng 28.64%
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 28.64%
market value – 12,864.00
aral, “caveat” at mga
payo
para mas madaling tingnan, ito kinalabasan sa 10,000.00 na kapital…
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 11,533.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 13,822.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 12,864.00
“interesting” na malaman na naging maayos pa rin ang kinalabasan ng “the holder” kahit natapos na ang sunod sunod na “rate cuts”… pero mas ayos kung gumamit na ng “stop loss” base sa “risk tolerance” mo… halimbawa kung -5.00% mula sa pinakamataas, marahil +20.00% ang kinalabasan ng “the holder” natin, dahil pwede namang unti unting magbawas sa “bond fund” natin kung “stable” ang “interest rates” pagkatapos ng sunod sunod na “rate cuts”…
pero tulad ng nabanggit na natin… di natin sinasabi na
mauulit pa ang nakaraan kahit sabihin pa nating “history repeats itself”…
inaanyayahan ko rin kayong aralin ang iba pang mga bagay na
pwedeng tumulong sa inyo kung paano magkaroon ng tamang pagpapasya sa
imbestment na pinapasukan, tulad ng “bond yield” sa “bond fund”… at kung ano
ano pa…
at paalala… ang pagaaral na ito ay hatid sa inyo ng isang utaknewbie… kaya mainam kung budburan ito ng asin…
hanggang sa muli… tinginingining…
No comments:
Post a Comment