Thursday, August 22, 2019

KPPI Agosto19-20, 2019

ang mga mababasa ay mga bagay base sa aking karanasan.

paano ko nakita ang KPPI
  • sabado, bago ang lunes, syempre, nag iskan ako ng mga istaks na pasok sa gusto kong gawin
  • napagpasyahan ko sa sarili ko na mag trade sa lunes, kung walang ganap ay papasok ako sa "blue chips"... kung meron naman ay tsupit.
  • sa umpisa ng trading may napansin akong untiunting dinudumog... napagpasyahan kong bantayan ito at trade ayon sa napagpasyahan kong "set up"

ang pagtitrade
  • sinubukan ko mula sa mahabang "time frame" papunta sa pinakamaliit, hanggang nakita kong sumilip na ang "tenkan sen"
  • pasya - pumasok ako sa 6.65, lalabas ako sa 6.80... nilagay ko na agad ang TP at sinunod ko... natuwa na ako sa 1%+... subok lang naman...
  • ilang minuto pa umaangat pa rin, kaya binalikan ko... may taning ako hanggang 10:30 kaya yun na lang ang "profit taking time" ko
  • pumasok sa 7.15 at bago mag 10:30 ay masaya na rin ako sa nakita ko kaya lumabas ako sa 8.07.



dahil sa sobrang tuwa, kinabukasan, binalikan ulit...

  • pasya - sundin ang natutunan sa ichimoku, wag lalabas hanggat walang senyales, gusto ko rin makita mismo kung paano gumalaw sa sistemang gusto ko...
  • nadatnan ko na sya sa bandang 9 kaya bumili ako sa 9.19 dahil bullish pa daw sya sabi ni ulap...
  • nag antay... antay... antay... ng TK cross... kahit lumipad na sya sa bandang 11.20, kelangang sundin ang sinasabi ng puso... este... kumo... 😂☕🐝
  • hanggang lumabas na ako sa bandang 10.30
  • nakapasok pa kinalaunan sa 10.90 at labas sa 11.60...
  • magbuhat nun ay di ko na pinasok pa...
  • at dahil bumitaw ako... pangit ako... 😭😂☕🐝




mga aral... may aral...

  • kahit imbestor tayo... mag iwan ng bp para sa mga "tsupit moves" lalo kung "bored"
  • pumasok nang handa... ayos na yung "bored" ka... kasi kung talo ka man, mawawala ang "boredom" mo... maaasar ka e... di ka pa makatulog...
  • sundan ang "setup" na ginawa bago pumasok... maaaring di masyado ramdam kay KPPI dahil patuloy sya sa pagbangga ng kisame... pero malay natin sa mga susunod na araw... bukas kaya? kisame ulit? o langit na? 😂☕🐝
  • dapat may "cut loss" din lalo kung napaka "bare", hubad ang "data"... mahirap tingnan kung saan ang support dahil ilang araw pa lang ang KPPI... sa akin kakayanin ko ang -5% kaya nakamarka na yun...
  • bukod sa % loss, kelangan ding tingnan kung ilang porsyento sa pangkalahatang pundo mo ang kakayanin mong mawala... halos 10-20k lang ginamit ko, kaya ang -5% ay mga -500 hanggang -1000... kakayanin pa naman yan...
  • dapat may parte din kung saan ka magdadagdag... kung sa tingin ay pullback lang, pwedeng magdagdag... yun ang di ko ginawa
  • meron pa ba? pakidagdagan naman...
ito pala ang mga kritikal na "pricepoint" base sa ichimoku at sa karanasan ko sa KPPI...
  • sa napaka "conservative" TS - tenkan sen, blue, ang tiningnan ko, habang tumataas ang halaga nagiging "moderately aggressive" na ako...
  • kaya lilipat ang "trailing stop loss" ko sa KS - kijun sen...
  • kung mas mataas na "moderately aggressive"... di ko alam kung meron nun... aantayin ko ang TK cross, bago magbenta
  • kung napaka "aggressive" naman ay pwede ang "kumo breakdown"
  • habang tumataas ang presyo ay pwedeng iadjust ang "trailing stop loss", mula conservative hanggang aggressive
sana may natutunan kayo... pero tandaan... ang blog na ito ay galing sa utaknewbie... 




Saturday, August 17, 2019

RWM SHNG SMC VLL Agosto 16, 2019

ang mga sumusunod na tsart ng istaks ay di sinasaad na ikaw ay bibili o bebenta.


ANI NIKL PIP MAXS Agosto 16, 2019

ang mga sumusunod na tsart ng istaks ay di sinasaad na ikaw ay bibili o bebenta.


PSEI Agosto 16, 2019

ang mga sumusunod na pahayag ay di nagsasaad na ikaw ay bibili o bebenta.

mga obserbasyon -
  • nagkaroon ng TK cross o KT cross kasi baliktad bago pa man magumpisa ang aghosto.
  • kasalukuyang nasa loob ng ulap, wag lang mahulog dyan... cloud9 tayo...
  • "bearish" ang hinaharap na ulap...
  • ilang beses na ayaw palusutin ng TS (blue line) ang presyo, inaasahan (ko) na bababa pa lalo ang TS, at pag nangyari yan, kelangan ng presyo na lumusot sa linya para di sya maitulak pababa ng ulap ni TS... kaya manalangin tayong manatili sya sa ulap... ✌️😅☕🐝
  • ang CCI at presyo ay nagpapakita (yata) ng divergence, sa totoo lang di ko alam yun... basta sa bawat pagbaba ng presyo, di na ganun katindi ayun sa CCI...
  • ayaw pa rin paawat ng MACD sa pagbaba, kunting pagbagal lang sa MACD line... nagpapahabol siguro sa signal line, para magtagpo na sila... ✌️😅☕🐝...




Wednesday, June 26, 2019

Sa Anong Klaseng UITF Ko Ilalagay ang Pundo?






Ganito kasi yun. Kung may "buying power" ka, tingnan mo muna kung ayos ang equities. Kung hindi, sa bonds maglagay. Pero kung pati bonds ay di maganda ang galaw, lagay muna lahat ng pundo sa money market habang nagaantay ng magandang galawan sa bonds o at equities.

Ang pamamaraang ito ay nabuo sa tulong ng mga masters sa UITF FB Group.

Tuesday, June 25, 2019

Mga Galaw ko sa Mayo 2019

PAUNAWA: Ang makikita sa baba ay "hindi dapat gayahin"... Ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa yan kung hindi pa halata sa larawan.

Mayo 3 - ito siguro ang tamang desisyon, kung "price action" lang ang basehan. kung sa ulap naman, kailangan muna nyang lumusot nang buo sa baba.

Mayo 7, 8, 9, 15 - mga maling maling desisyon kasi... wala pa namang "MACD crossover", 9 at 15 ay nasa baba na ng ulap... sa pagkakaalala ko, "inip" ang dumali sa akin dito... isa pa ang "hope"... dapat wag umasa sa malabo... ✌😂☕

Mayo 17, 22 - pareho sa nakaraang mga araw, "hope" din dumali sa akin, yung hope na "bull trap" di nangyari, mas maigi kung bumili na lang, o walang ginawa... sayang.

Mayo 24 - "rejection" ni tekan sen, sa tingin ko, tama rin itong desisyong ito sa tulong din ng "MACD crossover", mas mataas na "green volume" sa nakaraan kumpara sa sumunod na "red volume"...

Mayo 28 - ayos lang din ito, dapat nilagay na lahat sa equity sa mga panahong ito...

Mayo 30 - wag maliitin ang nagagawa ng "fear" ayan o napabenta ang utaknewbie.✌😂☕

SA HULI - ang pinakamaling nagawa sa bwan ng Mayo ay "overtrading"... imbestor pero "overtrading" ✌😂☕... maling mali. siguro kung ang ginawa lang ay BENTA ng Mayo 3 at BILI ng Mayo 24, mas maigi pa sana...

Magiiwan ako ng isang "words of wisdom" na napulot ko sa investagram, ctto...

Usapang Selpon Bateri

Pagbabago... nahanap ko yung isa pa... binago ko na rin pangalan.

Maiba tayo. Para hindi pareho. ✌😂☕ Bago ako magimbest ng pera ay sa selpon ako napapagastos. Pero pangalawang taon na itong hindi pa ako nakakabili. Iba talaga nagagawa ng pagkukuripot. ✌😂☕

Sa post na ito, uusisain ko ang bateri ng mga selpon ko. Yung iba kasi dito nasa kabinet lang, kaya panahon na rin siguro na kumustahin.

Para maisakatuparan ito ay isa isa kong sinukat kong gaano katagal ang "charging" at gaano katagal ang paggamit ng selpon. At ito ang kinalabasan... pero idadaan ko muna sila sa mga "dummy names" ✌😂☕

#15 HTC W

Tagal ng Charge: 03:56Hr
Tagal ng Pag-gamit: 10:55Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera

#14 Sony K

Tagal ng Charge: 05:40Hr
Tagal ng Pag-gamit: 1 Araw at 02:57Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data, Pangunahing Linya

#13 Asus F

Tagal ng Charge: 07:28Hr
Tagal ng Pag-gamit: 4 Araw at 12:47Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Casual Games

#12 Sony 3

Tagal ng Charge: 02:49Hr
Tagal ng Pag-gamit: 1 Araw 03:15Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data

#11 Sony L

Tagal ng Charge: 02:54Hr
Tagal ng Pag-gamit: 2 Araw 00:37Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data

#10 Nokia L

Tagal ng Charge: 02:55Hr
Tagal ng Pag-gamit: 2 Araw 04:41Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Casual Games

#9 LG G

Tagal ng Charge: 01:00Hr
Tagal ng Pag-gamit: 00:00Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Namatay agad, napabayaan ko ito, kailangan bumili ng bateri

#8 Sony M



Tagal ng Charge: 03:44Hr
Tagal ng Pag-gamit: 5 Araw at 13:11Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music

#7 Nokia N

Tagal ng Charge: 02:00Hr
Tagal ng Pag-gamit: 19:50Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music

#6 HTC D

Tagal ng Charge: 03:12Hr
Tagal ng Pag-gamit: 6 Araw at 13:09Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music

#5 Sony 5

Tagal ng Charge: 02:40Hr
Tagal ng Pag-gamit: 2 Araw at 23:36Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data

#4 Nokia D

Tagal ng Charge: 02:42Hr
Tagal ng Pag-gamit: 3 Araw at 23:22Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera

#3 Nokia C

Tagal ng Charge: 03:00Hr
Tagal ng Pag-gamit: 10 Araw at 21:40Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music

#2 Lenovo E

Tagal ng Charge: 01:24Hr
Tagal ng Pag-gamit: 3 Araw at 14:35Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music

#1 Nokia A

Tagal ng Charge: 02:22Hr
Tagal ng Pag-gamit: 8 Araw at 21:06Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music

Ayan na nga... at dadagdagan ko pa ng detalye yan sa mga darating pang panahon. Sa may katuturan na post naman ang susunod. ✌😂☕