Pages

Monday, November 5, 2018

Imbes - In Tranches

Maliban sa cost-averaging, may iba pang paraan ng pauntiunting pagimbes o “in tranches”. Ang kaibahan lang ng mga “in tranches” na babanggitin ko ay may kaugnayan na sa galaw ng merkado. Hindi ito, taas bili, baba bili na pamamaraan.

    Tandaan ang mga sumusunod na mga bagay na isinaisip para maisulat ang post na ito:
  1. Ang “timeframe” ay mula Enero 3, 2018 hanggang Oktubre 19, 2018. Kailangan maipasok na sa pundo ang itinakdang halaga.
  2. Ang halagang itinakda ay Php100,000.00 na hinati sa sampu, magagamit natin ito para ikompara ang iba pang pamamaraan.
  3. May kinalaman sa (1), magagamit lamang ang ibang ideya dito sa “downtrend,” pababa ang halaga ng index. Ang kulilat sa pamamaraan dito ay maaaring nangunguna naman kung iba ang takbo ng merkado.
  4. Ang pagbili ay gagawin sa tanghali, kaya kailangan natin ang halaga ng index sa tanghali at closing. Kailangan ng halaga sa tanghali dahil doon ibabase ang desisyon para sa “catching knife” samantalang ang halaga sa closing para malaman ang epekto sa imbesment natin. Makikita ito sa 4h (apat na oras) na “time interval”, hindi sa “daily candle” sa isang tsart.
  5. Hindi kasama sa pagaaral dito ang pagkakaiba ng halaga sa tanghali at closing. Bagamat maganda ring aralin lalo nat karamihan ng equity UITF ay nagsasara (cutoff) na ang halaga lang ng index sa tanghali ang pinakahuling nalalaman.
  6. Gamitin lamang sa pagaaral at hindi ito “investment recommendation”. Baka pwede ka ring gumawa ng mga tulad ng nasa baba.

Catching Knife

Catching Knife – Arawan. Pagbili kung kailan mas mababa ang index kaysa sa huling bili.

Catching Knife – Kada Buwan. Pagbili kung kalian mas mababa ang index kaysa sa huling bili sa nakaraang buwan. Hindi pinapahintulutan sa halimbawang ito ang pagbili sa parehong buwan, maliban na lang kung hindi nakabili ng nakaraang buwan. Kung ilang buwan, sa nakaraan, hindi nakabili ay ganun din kung ilang beses pwedeng bumili sa kasalukuyang buwan.

Catching Knife – Sa Tulong ng Padding. Pagbili kung kailan mas mababa ang index ng ilang puntos kaysa sa huling bili. Sa halimbawang ito, 200 puntos ang gagamiting padding. Di ako sigurado kung nagagamit sa imbesment ang salitang “padding”. Pero sa halimbawang ito, ito yung layo ng halaga sa halagang itinakda mo. Halimbawa, kung ang huling pinakamababa mong bili ay 7500, kailangang mas mababa pa sa 7300 ang titingnan mong halaga bago bumili ulit dahil sa 200 puntos na padding.

*ang paper asset ay base sa halaga noong Oktubre 19, 2018

Hudyat ng Indicator

Hudyat ng MACD. Ayon sa kunti kong kaalaman sa MACD, mainam bumili kapag ang mas mabilis na linya (mabilis magbago, short average, kulay bughaw sa karaniwang tsart) ay umibabaw sa mabagal na linya (matagal magbago, long average, kulay pula sa karaniwang tsart). Sa halimbawang ito, bibili mula umibabaw ang mabilis na linya hanggang sa pumailalim ang mabilis na linya o hanggang maubos ang itinakdang halaga anuman ang mauna. Kung hindi pa naubos ang itinakdang iimbes, aabangan ulit ang pagibabaw ng mabilis na linya sa mabagal na linya. (dugo ilong)

Hudyat ng RSI. Kung nasa oversold ang RSI (30, tama ba? ikomento lang), bibili ulit tulad ng sa hudyat ng MACD.

Hudyat ng CCI. Kung nasa oversold ang CCI (-100, tama ba? ikomento lang), bibili ulit tulad ng sa hudyat ng RSI.

*ang paper asset ay base sa halaga noong Oktubre 19, 2018. pansinin na ang pagbili gamit ang mga hudyat ay sa kinabukasan matapos lumabas ang hudyat hindi sa mismong araw. halimbawa sa RSI, kung oversold ngayon, bukas maguumpisang bumili. kung wala na sa oversold ngayon, hindi na bibili kinabukasan. kaya baka mapansin nyo na may mga pagbili kahit tapos na ang oversold o nasa ibabaw na ang mabagal na linya sa MACD.

Pansinin din ang parehong pamamaraan sa SBPSEQF.

Anong napansin nyo? Ganun din ba napasin ko na ayaw ko muna sabihin? Tara sa UITF Group. 🐻☕

No comments:

Post a Comment