Kung ang UITF Facebook Group ay nagiingay, maraming gusting sumubok at napapatanong ng:
- Saang banko pwedeng maginvest ng UITF?
- Aling banko ang maganda?
- Anong magandang UITF?
At dahil sa mga susunod na araw ay busy na ang utak newbie, subukan kong sagutin sa abot ng aking makakaya.
Saang banko pwedeng maginvest ng UITF?
Halos lahat ng commercial at universal bank ay may UITF Department (Trust Banking Group - TBG). Kaya kung may savings account ka na sa isang banko, maigi na ring doon ka maginvest ng UITF. Pero para makasiguro, tingnan ang listahan sa www.uitf.com.ph sa pinakababang bahagi na may pamagat ng “Member Banks”.
Aling banko ang maganda?
Sa aking opinyon, mas maigi sa banko kung saan may savings account ka na. Tandaan na sa pagbubukas mo ng UITF Account ay kailangan mo ng settlement account – kahit aling deposit account yun. Pero, pwede rin naman magbukas sa ibang banko. Pwedeng isabay mo ang pagbubukas ng savings account, na magsisilbing settlement account mo, at ang UITF Account. Tulad ng ginawa ko sa Security Bank. Mas mahalagang alamin kung anong klase ng UITF ang pipiliin mo o akma sayo. Pagkatapos ay alamin mo kung aling banko ang may magandang annual return sa mga nakaraang taon. Pero tandaan na walang kasiguraduhang makakamit muli ang historical performance.
Anong magandang UITF?
Nakadepende sa risk tolerance mo ang akmang UITF sayo. Malalaman mo kung anong akma sayo pagkatapos mong sumagot sa isang survey na gagawin sa banko. Pwedeng conservative, moderately aggressive, o aggressive ang makukuha mong risk tolerance. Ang ibig lang sabihin ng risk tolerance ay hanggang ilang porsyento ang kaya mong mawala sa kapital mo. Pero tandaan din na kung mas mataas ang risk ng isang UITF ay mas mataas din ang potential return nun.
Isa pa, may kinalaman din umano ang time horizon sa risk tolerance. Mas mataas daw na risk tolerance, mas matagal ang time horizon. Kaya mapapansin mo na ayun sa iba, ang aggressive fund ay panglongterm at ang conservative fund ay pangshortterm. Pero, iba ang opinyon ko dyan. Kahit panglongterm ang nais ko, malaking tulong pa rin ang conservative fund at hindi rin ibig sabihin na wala akong gagawin sa aggressive fund ko. Ngayon, isaisahin ko ang ilang UITF Fund at ikwento base sa opinyon ko. Marami nang blog ang nagsasabi kung anu-ano sila pwede mo iGoogle ang “Types of UITF”, kaya ibahin mo ito. Sana nga maiba.
Money Market Fund (MMF). Nakainvest ang pera mo sa mga high-yield deposit products. Kaya kung plano mo lang mag time deposit na may maturaty date na napakatagal, pwede na ito. Halos paakyat ito lagi. Bihira ka makakakita ng bumababang MMF. Pero syempre, maliit lang kikitain mo dito. Subukan mong tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Money Market Fund 2018 Performance.
Bond Fund – Government Securities and/or Corporate Bonds (BF). Nakainvest naman ito sa mga pautang sa gobyerno at mga korporasyon. Di ako tagatangkilik nito dahil di ko masyado alam ang galawan. Pero base sa kunting kaalaman ko dito, pwede mong bantayan ang mga anunsyo ng Banko Sentral ng Pilipinas kung sila ay magtataas ng interes o hindi sa mga susunod na panahon. Tandaan na kapag nagtaas sila ng interes, bababa ang halaga ng BF mo (kawawa naman ang mga girls). Tataas naman ang halaga ng BF mo kung bababa ang interes. Kaya kung BF ang gusto mo, sa tingin ko pumasok ka kapag stable na – di gaano tumataas o bumababa ang interes. Tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Long Term Bond Fund 2018 Performance.
Equity Fund (EF). Sa stocks naman nakainvest ito. Kung Philippine Index Fund, ibig sabihin halos sumusunod lang sa galaw ng (Philippine Stock Exchange Index / Composite) PSEi ito. Itong klaseng UITF na ito talaga ang nagpapaingay sa UITF Facebook Group, maniwala ka. Meron ding ibang equity fund, kung saan malaya ang TBG na pumili sa mga stocks. Meron ding sa isang klase ng stocks – consumer, high-dividend at iba pa. Meron akong Non-index Equity Fund, pero plano kong magbukas ng Index Equity Fund para magkaroon ng magandang posisyon base sa galaw ng PSEi. Tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Equity Fund 2018 Performance.
Balanced Fund (BEF). Magkahalong Bond Fund at Equity Fund, depende ang alokasyon sa TBG. Hindi rin ako tagatangkilik nito, hindi lang dahil sa hindi ko gaano alam ang galawan ng Bond Fund, pero dahil din sa maghihilaan ang Equities at Bonds. At kahit sabay umakyat ang dalawang ito, hihilain pa rin ng Bonds ang Equities. Yung kikita ka na sana ng 20% sa Equities, magiging 15% pa kung 10% lang ang Bonds sa 50-50 na BEF. Kung pababa naman ang Equities, pwede naman suportahan ng Bonds ang buong BEF. Tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Balanced Fund 2018 Performance.
Kaya sa lahat ng ito, dalawa lang talaga ang paborito ko – MMF at EF. Sana nakatulong.
DISCLAIMER: Ang karamihan sa mga nasasaad dito ay sariling opinyon ng utaknewbie kaya hindi bastabasta pinaniniwalaan. Ganun din, maaaring may mga impormasyong hindi sakto sa katotohanan. Mangyaring bisitahin ang mga link para sa mga naturang impormasyon o magsaliksik.
Hello po ....based dun sa assessment bank na po ba magsasabi kung saan po ako pwede na UITF? Kung sakaling long term po ang lumabas hindi po ba sya pwede iredeem agad kung sakali? gusto ko po mga blogs and comments nyo pa sa uitf group kaya nagfollow po ako...
ReplyDeleteAnd pashare nadin po pala ng Steps pag open ng Uitf salamat po.
1) pwede naman ilabas ng mas maaga, pansinin lang na may holding period na tinatawag... dahil kung di pa tapos ang holding period, may early redemption fee...
ReplyDelete2) ang ginawa ko lang ay a) hinanap ang incharge sa trust department pero pwede rin sa new accounts b) nagfillup kasama ang risk profiling c) kung tungkol sa risk profiling, isagot ang sa tingin mo ay isasagot ng isang "aggressive investor" para maunlock lahat ng uitf d) kung di naman lumabas ang "aggressive profile", magtanong tungkol sa waiver e) punduhan
3) pero mas madali kung pwede ang online lahat ng transaction tulad sa BDO at PNB, basta may online access, pwede magapply ng UITF online.
4) salamat din... sana nakatulong ��☕