Pages

Monday, November 5, 2018

Imbes - In Tranches

Maliban sa cost-averaging, may iba pang paraan ng pauntiunting pagimbes o “in tranches”. Ang kaibahan lang ng mga “in tranches” na babanggitin ko ay may kaugnayan na sa galaw ng merkado. Hindi ito, taas bili, baba bili na pamamaraan.

    Tandaan ang mga sumusunod na mga bagay na isinaisip para maisulat ang post na ito:
  1. Ang “timeframe” ay mula Enero 3, 2018 hanggang Oktubre 19, 2018. Kailangan maipasok na sa pundo ang itinakdang halaga.
  2. Ang halagang itinakda ay Php100,000.00 na hinati sa sampu, magagamit natin ito para ikompara ang iba pang pamamaraan.
  3. May kinalaman sa (1), magagamit lamang ang ibang ideya dito sa “downtrend,” pababa ang halaga ng index. Ang kulilat sa pamamaraan dito ay maaaring nangunguna naman kung iba ang takbo ng merkado.
  4. Ang pagbili ay gagawin sa tanghali, kaya kailangan natin ang halaga ng index sa tanghali at closing. Kailangan ng halaga sa tanghali dahil doon ibabase ang desisyon para sa “catching knife” samantalang ang halaga sa closing para malaman ang epekto sa imbesment natin. Makikita ito sa 4h (apat na oras) na “time interval”, hindi sa “daily candle” sa isang tsart.
  5. Hindi kasama sa pagaaral dito ang pagkakaiba ng halaga sa tanghali at closing. Bagamat maganda ring aralin lalo nat karamihan ng equity UITF ay nagsasara (cutoff) na ang halaga lang ng index sa tanghali ang pinakahuling nalalaman.
  6. Gamitin lamang sa pagaaral at hindi ito “investment recommendation”. Baka pwede ka ring gumawa ng mga tulad ng nasa baba.

Catching Knife

Catching Knife – Arawan. Pagbili kung kailan mas mababa ang index kaysa sa huling bili.

Catching Knife – Kada Buwan. Pagbili kung kalian mas mababa ang index kaysa sa huling bili sa nakaraang buwan. Hindi pinapahintulutan sa halimbawang ito ang pagbili sa parehong buwan, maliban na lang kung hindi nakabili ng nakaraang buwan. Kung ilang buwan, sa nakaraan, hindi nakabili ay ganun din kung ilang beses pwedeng bumili sa kasalukuyang buwan.

Catching Knife – Sa Tulong ng Padding. Pagbili kung kailan mas mababa ang index ng ilang puntos kaysa sa huling bili. Sa halimbawang ito, 200 puntos ang gagamiting padding. Di ako sigurado kung nagagamit sa imbesment ang salitang “padding”. Pero sa halimbawang ito, ito yung layo ng halaga sa halagang itinakda mo. Halimbawa, kung ang huling pinakamababa mong bili ay 7500, kailangang mas mababa pa sa 7300 ang titingnan mong halaga bago bumili ulit dahil sa 200 puntos na padding.

*ang paper asset ay base sa halaga noong Oktubre 19, 2018

Hudyat ng Indicator

Hudyat ng MACD. Ayon sa kunti kong kaalaman sa MACD, mainam bumili kapag ang mas mabilis na linya (mabilis magbago, short average, kulay bughaw sa karaniwang tsart) ay umibabaw sa mabagal na linya (matagal magbago, long average, kulay pula sa karaniwang tsart). Sa halimbawang ito, bibili mula umibabaw ang mabilis na linya hanggang sa pumailalim ang mabilis na linya o hanggang maubos ang itinakdang halaga anuman ang mauna. Kung hindi pa naubos ang itinakdang iimbes, aabangan ulit ang pagibabaw ng mabilis na linya sa mabagal na linya. (dugo ilong)

Hudyat ng RSI. Kung nasa oversold ang RSI (30, tama ba? ikomento lang), bibili ulit tulad ng sa hudyat ng MACD.

Hudyat ng CCI. Kung nasa oversold ang CCI (-100, tama ba? ikomento lang), bibili ulit tulad ng sa hudyat ng RSI.

*ang paper asset ay base sa halaga noong Oktubre 19, 2018. pansinin na ang pagbili gamit ang mga hudyat ay sa kinabukasan matapos lumabas ang hudyat hindi sa mismong araw. halimbawa sa RSI, kung oversold ngayon, bukas maguumpisang bumili. kung wala na sa oversold ngayon, hindi na bibili kinabukasan. kaya baka mapansin nyo na may mga pagbili kahit tapos na ang oversold o nasa ibabaw na ang mabagal na linya sa MACD.

Pansinin din ang parehong pamamaraan sa SBPSEQF.

Anong napansin nyo? Ganun din ba napasin ko na ayaw ko muna sabihin? Tara sa UITF Group. 🐻☕

Tuesday, October 23, 2018

Imbes - Peso Cost-Averaging (PCA)

Noong tinanong ko si Propesor Google, andami nyang pinagsasabi tungkol dyan… sa Cost Averaging na yan. Depende na lang kung anong currency ang gamit. Pero base sa pagkakaintindi ko, ang cost-averaging ay pamamaraan sa pagiimbes na kung saan naglalagay ka sa imbesment sa “regular time interval” ng parehong halaga ng pera. Pwedeng kada buwan naghuhulog ka ng Php5,000.00 sa UITF (o anupamang imbesment), o kada linggo sa halagang Php1,000.00, o kaya naman ay Php10,000.00 kada quarter.

    May mga assumptions ito tungkol sa gagamit nito:
  1. Walang pakialam sa galaw ng merkado. Pag bumaba, bili. Pag tumaas, bili. Hanggang mailagay ang itinakdang halaga o tagal ng paglalagay.
  2. May regular income ang gagamit. Para walang palya, base sa “time interval” na gagamitin.
  3. May kinalaman sa (1), masyadong abala o hindi bet ang pagaaral sa galaw ng merkado.

Meron pa ba akong nakalimutan? Pwede niyong dagdagan. Bago ko pala makalimutan, ang cost-averaging ay isa lang sa mga pamamaraang “in tranches” na iba sa lump sum. Subukan kong sumulat ng iba pang “in tranches” na pamamaraan.

Dahil ito ang una kong sinubukan, di tulad ng lump sum, ilalapit ko ang mga halimbawa sa orihinal kong plano. Ang plano? Makapaglagay sa SBPSEQF (tingnan din natin sa PSEi) ng Php100,000.00 sa loob ng isang taon. Naisip kong kada buwan ang “time interval” at Php10,000.00 ang halaga. Kaya aabot ito hanggang Oktubre lamang.

    Tatlong halimbawa ulit ang gagawin ko:
  1. Sa umpisa ng buwan
  2. Sa kada araw ng buwan kung saan kasama ang pinakamataas na halaga
  3. Sa kada araw ng buwan kung saan kasama ang pinakamababang halaga.
    1. PSEi

      Petsa(1)Petsa(2)Petsa(3)
      3-Jan8,724.1329-Jan9,058.62^11-Jan8,813.25
      5-Feb8,616.001-Mar8,465.7712-Feb8,487.91
      5-Mar8,386.172-Apr8,039.4512-Mar8,453.50
      3-Apr8,048.7230-Apr7,819.2511-Apr7,943.93
      3-May7,535.1029-May7,602.3611-May7,752.11
      4-Jun7,579.6129-Jun7,193.6811-Jun7,771.30
      3-Jul7,267.3430-Jul7,773.3211-Jul7,333.73
      3-Aug7,819.3929-Aug7,830.9613-Aug7,635.27
      3-Sep7,832.221-Oct7,222.0811-Sep7,518.01
      3-Oct7,210.8719-Oct7,151.5211-Oct6,884.38*
      Average7,901.967,815.707,859.34
      %Gain(Loss)(9.50%)(8.50%)(9.01%)
      Paper Asset**90,503.1791,501.9790,993.91

      ^ pinakamataas, * pinakamababa, **sa peso, mula sa capital na Php100,000.00, noong Oktubre 19, 2018

      SBPSEQF

      Petsa(1)Petsa(2)Petsa(3)
      3-Jan2.49303129-Jan2.570543^11-Jan2.518810
      5-Feb2.4684401-Mar2.45508912-Feb2.448824
      5-Mar2.4411132-Apr2.33095912-Mar2.445816
      3-Apr2.33095930-Apr2.27316711-Apr2.310428
      3-May2.21147129-May2.24595411-May2.270121
      4-Jun2.23807429-Jun2.12716711-Jun2.277087
      3-Jul2.13901930-Jul2.26105411-Jul2.161975
      3-Aug2.26600429-Aug2.33261013-Aug2.262908
      3-Sep2.3375711-Oct2.17126211-Sep2.243786
      3-Oct2.16284419-Oct2.14806811-Oct2.082154*
      Average2.3088532.2915872.302191
      %Gain(Loss)(6.96%)(6.26%)(6.69%)
      Paper Asset**93,036.1793,737.1293,305.38

      ^ pinakamataas, * pinakamababa, **sa peso, mula sa capital na Php100,000.00, noong Oktubre 19, 2018

      Mga dapat malaman: ang pinakamababa at pinakamataas ay base sa petsa mula Enero 3, 2018 hanggang Oktubre 19, 2018. May mga pagkakaiba sa petsa dahil sa tumatapat sa panahong walang trading ang itinakdang petsa kada buwan, maliban na lang sa Oktubre 19 sa ikalawang halimbawa sa kadahilanang hindi pa naabot ang petsang itinakda at para pwede nating ikompara sa lump sum (nakaraang post).

        Mga napansin:
      1. Halos di nagkakalayo ang naging paper asset. Pwede ba nating isipin na pare-pareho yan kahit anong araw sa kada buwan? Maliban na lang siguro kung kada kinsenas ay bumababa ang halaga. Pero wala tayong nakitang ganun.
      2. Lahat sila ay paperloss. Dahil yan sa downtrend. Kung uptrend papergain yan. Pero hindi ba kahit anong pamamaraan sa uptrend, papergain?

      May napansin pa ba kayong iba?

        Paano kaya maikokompara sa lump sum?
      1. Kung downtrend, at ang lump sum ay naibili sa taas (kahit hindi peak), mas malaki ang paperloss ng lump sum kesa cost-averaging.
      2. Kung downtrend, at ang lump sum ay naibili sa bandang baba (kahit hindi bottom), mas malaki ang paperloss ng cost-averaging kesa lump sum.
      3. Kung uptrend, at ang lump sum ay naibili sa bandang baba (kahit hindi bottom), mas malaki ang papergain ng lump sum kesa cost-averaging.
      4. Kung uptrend at ang lumpsum ay naibili sa bandang taas (kahit hindi peak), mas malaki ang papergain ng cost-averaging kesa lump sum.
      5. Kung downtrend, mahihila mo pababa ang average sa cost-averaging. Lump sum yun na yun.
      6. Kung uptrend, mahihila mo pataas ang average sa cost-averaging. Lump sum yun na yun, angkulit.

      Malinaw ba? Sana. Ulitin lang natin na base lang ito sa posibleng nangyari kung striktong cost-averaging ang ginamit mula noong Enero 2018. Isipin din na marami pang iba sa loob ng “in tranches”. Subukan ko ipaliwanag kung ano pagkakaintindi ko sa mga yun. Tulad ng “catching knife” at iba pa na pwedeng gamitan ng mga tools sa pagaaral sa galaw ng merkado.

      Sana nakatulong ulit. Kung may nakita kayong mga Miss, miss information, miss concepcion at miss understanding ko sa mga bagay-bagay, ipaalam lang sa akin, #utaknewbie kasi.🐻☕

Friday, October 19, 2018

Imbes - Lump Sum


Ayon sa google, ang lump sum ay “a single payment made at a particular time, as opposed to a number of smaller payments or installments”. Kung sa imbesment, minsanang paglalagay ito ng pundo. Tingnan natin kung kumusta ang pamamaraang ito (lump sum) sa PSEi o SBPSEQF (isang non-index equity fund).

May tatlong “particular time” tayong titingnan. Disyembre 29, 2017 para sa year-to-date. Tingin din tayo ng simpleng indicator pero sa mata ng halos wala pang alam. Tapos, kunwari nataymingan ang kasalukuyang pinakamababa.

Year-to-Date

Ang PSEi ay nasa 8558.42 noong Disyembre 29, 2017. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 7151.52 na. Yan ay -16.44%. Kaya kung naglumpsum ng Php100k, meron kang Php83,561.22 na paper asset. Meron kang Php16,438.78 paperloss sa halos sampung buwan.

Kung sa SBPSEQF naman, nasa 2.454611 noong Disyembre 29, 2017. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 2.148068 na. Yan ay -12.49%. Kaya kung naglumpsum ng Php100k, meron kang Php87,511.54 na paper asset. Meron kang Php12,488.46 paperloss sa halos sampung buwan. Malakilaki rin ang paperloss, dahil yan sa halos tuloytuloy na pagbaba ng merkado. Ibang kuwento kapag paangat na. Pwede mo namang isiping papergain ang paperloss, kung pataas sana ang merkado.

MACD ng halos wala pa masyadong alam

Kung sisimulan ko mula Disyembre 29, 2017 at umasa ako sa MACD para sa pagpasok base sa alam ko ang petsang pagpasok ko ay Abril 5, 2018.

Ang PSEi ay nasa 8022.16 nang petsang yan. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 7151.52 na. Yan ay -10.85%. Kaya kung naglumpsum ng Php100k, meron kang Php89,147.06 na paper asset. Meron kang Php10,852.94 paperloss.

Kung sa SBPSEQF naman, nasa 2.323154 nang petsang yan. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 2.148068 na. Yan ay -7.54%. Kaya kung naglumpsum ng 100k, meron kang Php92,463.44 na paper asset. Meron kang Php7,536.56 paperloss.

Medyo mas mababa ang paperloss, pero kung mas kabisado sana ang mga indicators, baka mas maliit pa dyan. Baka nga papergain pa.

Kasalukuyang bottom ng taon

Di ko sinasabing ito ang bottom, di ko rin sinasabing hindi ito ang bottom. At wala akong sasabihin tungkol dyan.

Ang PSEi ay nasa 6884.38 noong October 11, 2018. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 7151.52 na. Yan ay +3.88%. Kaya kung naglumpsum ng 100k, meron kang Php103,880.38 na paper asset.

Kung sa SBPSEQF naman, nasa 2.082154 noong October 11, 2018. Ngayon (Oktubre 20, 2018) nasa 2.148068 na. Yan ay 3.17%. Kaya kung naglumpsum ng 100k, meron kang Php103,165.70 na paper asset.

Kung alam lang natin kung nasaan ang bottom kada taon…

Lump Sum Pinto o Lump Sum Milby?

Base sa nakikita ko, kapag gumamit ka ng lump sum, pinakamatindi ang epekto ng merkado sayo. Ramdam na ramdam mo ang paglipad at pagbagsak. Maganda ang epekto nito kung pagkatapos mong maglump sum ay pataas na ang merkado hanggang maabot mo ang itinakda mong panahon o return-on-investment. Ngunit, hindi ito maganda sa pagbaba ng merkado. Napapansin natin kung paano kinakabahan mga imbestor kapag bumababa ang merkado.

Hindi masama ang pag lumpsum, pero kapag gusto mong mas malaki ang potential na return-on-investment, kailangan talaga araling mabuti bago sumabak. Kung kunti pa lang ang alam sa merkado, mas maganda ang iba pang pamamaraan para lang makabisado ito. Ano ba ng ginagawa mo kung di mo sigurado ang tubig na lulusungan mo, kung mainit ba o malamig? Di ba pakikiramdaman muna ito?

Tanong ng utak newbie… ano sa tingin mo?

Friday, October 5, 2018

Paano magdagdag sa pundo ng SBPSEQF (Subscribe)

Una sa lahat, puntahan ang Online Access ng Security Bank at gawin ang nasa baba.
Pagbukas ng Online Access, hanapin ang UITF account sa bandang baba ng Savings Account o kaya naman sa menu... Investments.
Lalabas ang buong detalye ng UITF Account (Trust Account).

Gawin lang ang nasa baba.
Sana malinaw ang panuto.
Pansinin na iisa lang ang UITF Account na gamit ko, at mayroon itong COPs (certificate of participations) depende sa bilang ng subskripsyon ko o ilang beses ako bumili. Ibig sabihin madali mong mamanage ang mga dinadagdag mo. Pwede mong isipin na parang bumibili ka ng pan de sal - hindi Pan De Vera - pan de sal, na sa bawat bili mo ay nakasilid sa paperbag (COP). Hindi tulad ng ibang banko na inihahalo mo ang bagong biling pan de sal sa dati mo nang nabili. Ang kagandahan nung nakabukod ay di magagalaw ang dati mong pan de sal kapag binenta mo yung ibang grupo (nasa paperbag) na pan de sal.

Ito ang halimbawa, kung paano ko nagagamit ang pagkakahiwalay. Ipagpalagay na lang nating nakapagsubscribe ako ng 5 beses. 5 COP yun. Kung gusto kong sumubok ng isang pamamaraan, pwede ko gawin yun sa, sabihin nating, 2 subskripsyon. Kapag naglaro sa isang range (ng PSEi, e.g. 7500-7800), pwede ako redeem-subscribe. Pwede ko mapababa, pwede rin mapataas ang average. Kung nagkamali, dahil sumusubok pa lang, hindi apektado ang iba - pangkalahatan, oo. Pero yung benefit outweigh niya ang disadvantage... disadvantage yung negative risk, pagbaba, benefit yung makagawa ka ng sarili mong strategy. Habang napapraktis mo sa maliit na halaga, mas nahahasa ka para palaguin ang pera mo.

Sana nakatulong ang una kong post, magtanong lang kayo at sasagutin ko base sa KARANASAN KO, IBINABAHAGI NG IBA, at mga KONSEPTONG NABABASA. BEAR COFFEE 🐻🍵