paunawa: ang blog na ito ay mula sa utaknewbie kaya ang mababasa nyo ay suriin mabuti. walang nirerekomenda ang artikulong ito.
talakayin natin ang isa sa mga pinaka natatanong na katanungan mula sa mga madlang imbestor... isama natin ang tatlong klase ng pundo ayun sa pangangailangan... at kung saan pwedeng ilagay ang pundo... ilimit natin sa pitaka, atm at UITF. di natatalakay sa artikulong ito ang alokasyon ng inyong sahod. inaasahan din ng artikulong ito na may pangunahin kang pinagkukunan ng sahod o may kinikita si ikaw.
una, kelangan muna nating alamin kung anong "role" meron ang isang klase ng pundo. pangalawa ay kung saan to pwedeng ilagay.
pang gastos
maaaring ito ay katumbas ng isang bwang sahod o isang bwang gastusin. pasok dito ang mga inaasahang gastusin bwan bwan.
dahil kelangan "liquid" ito ay kelangang nasa baso... este... nasa pitaka mo. kahit kapitbahay mo pa ang banko, abala pa rin ang dumaan dyan para makabili ka lang ng instant na kape.
kung may mga transaksyon naman na pwede ang atm, pwede ring ilagay ang ilang bahagi ng pang gastos mo sa atm. mahirap ding hawak lahat ang pera, malakas ang tukso ng komersyo. kelangan mo lang piliin nang maigi ang banko kung saan mo ilalagak ang pang gastos mo. pwede kang pumili sa mga sumusunod - landbank, chinabank, metrobank, pnb, bpi, security bank. ang tatlo sa bandang huli ay mainam rin para sa "settlement" ng UITF account.
emergency fund
sa aking pagkakaintindi at sa pagkakagamit, ang emergency fund ay binubuo ng anim hanggang isang taong sahod minsan ay higit pa... para sa iba ito ay bwanang gastusin sa halos parehong haba ng panahon... ang pundong ito ang pinakaayaw mong gamitin dahil para ito sa emergency... kayo di ito para sa pangbakasyon o gadget... kung kelangan mo nyan, pagipunan mo... di pwedeng galawin dahil lang sa pakiramdam mo walang mangyayaring emergency kinabukasan... pwedeng sumang ayon kayo sa akin o hindi sa bagay na ito, pero ang emergency fund ay di kelangang "liquid" sa kabuuan nito. ito ang ilang dahilan ko 1) dahil sa merong nakahiwalay na pang gastos 2) dahil malaki laki din ito at 3) dahil ayaw mo ito galawin... sa totoo lang, ito ang "buffer" ko kung sakaling mawalan ng trabaho, sa anim na bwan hanggan isang taon, sa tingin ko makakahanap na ako ng trabaho o nangangalakal na ako... kaya ang pinaka "role" nito sa akin ay panghalili sa sahod kung nawalan ako ng trabaho...
ang ilang bahagi ng emergency fund ay pwedeng nasa ATM lang... pwedeng pangisang bwan ng sahod o gastusin ayos na...
ang malaking bahagi nito ay pwede ring ilagay sa unit investment trust fund - money market fund para kahit paano ay lumago... maaari mo rin namang "redeem" ito at makukuha kinahapunan o kinabukasan... gawin mo lang ito kung malakilaki ang emergency fund mo... maaaring para sa dalawa o limang bwang sahod o gastusin... o kaya 80% ng para sa emergency fund mo...
at kung maganda ganda ang tinatahak ng bond fund, pwede mo ring ilagay ang 10% ng emergency fund mo... maging mahigpit lang sa "trailing stop loss" mo... at dahil, hanggang sa sinusulat ko ito, ay wala akong makitang may teknikal na analysis sa bond ay pwedeng maglagay ka ng "trailing stop loss" na di ka kabado, siguro ay 0.5% hanggang 1% mula sa pinakamataas na napuntahan ng bond fund mo, ayos na...
pang imbest
ang halagang inilagak dito ay mainam na di nakaplanong gastusin sa maigsing panahon. mahalagang maintindihan na ekspos ito sa "risk". ganun pa man, mainam na pagaralan ang ibatibang klase ng imbestment upang mapalago ng maayos ang pundo.
maaaring balikan ang Sa Anong Klaseng UITF Ko Ilalagay ang Pundo? para magkaroon ng ideya sa kung saan pwedeng ilagay ang iyong pang imbest.
sana ay nakatulong ulit ito sa ilan sa inyo. tandaan ang role ng pundo para di malito. magaral mabuti, lalo na kung utaknewbie.
Nice sir very informative
ReplyDeletesalamat... sana nakatulong...
Delete