Pages

Wednesday, February 19, 2020

Kinalaman ng BSP Interest Rate Decision sa Bond Fund (SBPSUIT)

kinuhanan ng impormasyon

  1. https://tradingeconomics.com/philippines/interest-rate
  2. http://www.uitf.com.ph/daily_navpu_details.php?bank_id=12&fund_id=82&fmonth=02&fday=01&fyear=2010&tmonth=02&tday=05&tyear=2020&captcha_uitf=kismetic&btn=Filter#gsc.tab=0

pinanghahawakang ideya
  1. “interest rate hike” – mas malaking posibilidad ang pagbaba ng halaga ng “bond fund”
  2. “interest rate cut” – mas malaking posibilidad ang pagtaas ng halaga ng “bond fund”
  3. “stable interest rate” – maaari ang pagtaas o pagbaba ng halaga ng “bond fund”
gustong malaman sa blogpost na to kung paano naapektuhan ng bsp rate decision ang bond fund (SBPSUIT) sa pamamaraang “visual” at di sa “raw data”. kaya naman, di matatalakay dito kung ilang porsyento ang pagbabago ng bond fund kompara sa pagbabago ng bsp interest rates.

sa loob ng sampung taon (2010-2020) may nakita tayong tatlong pares ng pagakyat at pagbaba ng bsp interest rates. tawagin natin silang trend A, trend B, trend C, trend D, trend E, at trend F. isaisahin natin ang nangyari.

interbal
napansin
ideya
A- (bago mangyari ang trend A)
- “stable interest rate” at bahagyang pagangat
- pinanghahawakang ideya #3 ay totoo - pwedeng pataas o pababa ang “bond fund” kapag may “stable interest rate”
A (trend A)
- “interest rate hike” dalawang beses at tumuloy pa rin ang pagangat kahalintulad sa A-
- pinanghahawakang ideya #1 ay di totoo sa pagkakataong to dahil paangat pa rin ang “bond fund”. maaaring dahil sa dalawang beses lang na “interest rate hike”
A+ (pagkatapos ng trend A)
- “stable interest rate” at halos di nagbago ang galaw ng bond fund
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3, pataas man o pababa pwedeng mangyari sa “stable interest rate”
- panibagong ideya - di ramdam ang epekto ng nakaraang interbal dahil sa kunting “interest rate hike”
B (trend B)
- “interest rate cut” at di nagbago ang galaw, maliban lang sa bandang huling bahagi kung saan mabilis ang pagtaas pero bumaba rin sa halos parehong antas
- totoo ang pinanghahawakang ideya #2 dahil paangat ang “bond fund” sa “interest rate cut”
- ilang beses din ang “interest rate cut” pero ang pagangat ng “bond fund” ay di sapat sa inaasahan
B+ (pagkatapos ng trend B)
- “stable interest rate” at mabilis ang pagangat ng “bond fund”
- bago pa man nagkaroon ng hike, may kabilisan din ang pagbaba
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3
- malaki ang epekto ng nakaraang “interest rate cut” sa galaw ng “bond fund” kung may “stable interest rate”
C (trend C)
- katulad ng A ang dami ng “interest rate hike” (2) at halos walang galaw ang “bond fund”
- di totoo ang pinanghahawakang ideya #1 sa pagkakataong ito tulad ng sa A
C+ (pagkatapos ng trend C)
- “stable interest rate” at magkahalong pataas at pababa ang galaw, pero sa pangkalahatan ay pataas.
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3, pataas man o pababa pwedeng mangyari sa “stable interest rate”
- panibagong ideya - di ramdam ang epekto ng nakaraang interbal dahil sa kunting “interest rate hike”
- katulad din sa A+
D (trend D)
- “interest rate cut” at halos walang paggalaw ng “bond fund”
- di totoo ang pinanghahawakang ideya #2 sa pagkakataong ito
- isang beses lang ang “interest rate cut” ngunit may kalakihan
D+ (pagkatapos ng trend D)
- “stable interest rate” at magkahalong pataas at pababa ang galaw
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3
- di nakaapekto ang D
E (trend E)
- “interest rate hike” at bumaba ang “bond fund”
- halos “stable” ang galaw ng bond fund sa bandang huli
- totoo ang pinanghahawakang ideya #1
E+ (pagkatapos ng trend E)
- “stable interest rate” at magkahalong pataas at pababa ang galaw ng “bond fund”
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3
- may epekto ang E sa unang kalahating bahagi sa E+
F (trend F)
- “interest rate cut” at pataas ang “bond fund”
- totoo ang pinanghahawakang ideya #2

buod ng mga ideya base sa napansin

kasalukuyang galaw ng “interest rate”
nakaraang galaw ng “interest rate”
(malaking posiblidad na) galaw ng “bond fund”
saan napansin (tingnan ang larawan sa taas)
stable
kunting “rate hike” (2 pababa)
magkahalong pataas at pababa, pangkalahatan ay pataas
A+, C+
stable
“rate hike” (3 pataas)
magkahalong pataas at pababa (“bullish reversal” pwedeng nagkataon lang)
E+
stable
kunting “rate cut” (1 lang)
magkahalong pataas at pababa
D+
stable
“rate cut” (higit sa isa)
pataas
B+
kunting “rate hike” (2 pababa)
stable
magkahalong pataas at pababa
A, C
“rate hike” (3 pataas)
stable
pababa
E
kunting “rate cut” (1 lang)
stable
magkahalong pataas at pababa
D
“rate cut” (higit sa isa)
stable
pataas
B, F

may aral
  1. maaaring umpisahan ang pagpasok sa “bond fund” kung nagkaroon ng “rate cut” at dagdagan kung tuloy tuloy pa ito
  2. bantayan ang “bond fund” kung “stable” ang “interest rate” dahil maaaring magumpisa itong bumaba. pwedeng magtakda ng “stop loss” para di tuluyang maubos ang “gain”
  3. pagkatapos ng sapat na “rate hike” wag agad papasok kung “stable” na o kaya liitin ang “stop loss” dahil pwede pang bumaba ang “bond fund”
ipapaalala lang ng utaknewbie na maging mapanuri sa nababasa at wag basta basta sundin nang di inaaral. ang anumang imbestment ay nakabukas sa mga “risks” na kelangan matutunan bago pasukan.

inaanyayahan ko kayong maghanap din ng ibang “bond fund” at aralin kung paano ang “optimized” na pagpasok at paglabas upang ang perang pinagpaguran ay mapalago o maprotektahan.

ano pa ang napansin nyo sa larawang nasa taas?

4 comments:

  1. Replies
    1. manong rank, salamat... di ko na nagawa ang mas malalim na analisis... hulanalisis na ulit... inaasahan ko pang bumaba nang 6% kung ibabase ko dun sa "trend B" at sana maging bullish pagkatapos... baka magsabay sila ng equities... sana...

      Delete
  2. pwede po paturo anung pwedeng bantayan or reference sa pag taas ng bond fund navpu?
    maliban sa interest rate cuts.
    like effect ng maturity date ng bond sa navpu nito.
    thank you

    ReplyDelete
    Replies
    1. https://ph.investing.com/rates-bonds/philippines-10-year-bond-yield

      pero baliktad epekto nyan... kapag nagumpisa na umakyat yan... magumpisa naman bumaba ang bond funds...

      pasensya na at inabot ng new year...

      Delete