Pages

Monday, May 11, 2020

Bond Fund Review Case A – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate hike)



ang nakaraan –
paglilinaw - ang post na yan ay di nasunod ang eksaktong petsa ng "rate cuts" at "rate hikes"... pero sa mga pagaaral sa "series" na to, susundan natin ang eksaktong petsa...

napagalaman natin ang reaksyon ng bond fund sa pagbabago ng interest rates
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
pero nalaman din natin na may mga “fluctuations” pa rin…

kung ibabase lang natin sa galaw ng interest rates ay maaaring ganito ang pwede nating gawin
kapag may “rate” cut – bumili ng units, pwedeng kada “rate cut” ay magdagdag ng units
kapag “stable” ang interest rates – “hold”… wag muna bumili o tumigil muna sa pagdagdag ng units
kapag may “rate hike” – magbenta ng units, pwedeng kada “rate hike” ay magbawas ng units
pero kung isasama natin ang “fluctuations”, baka may pwedeng gawin para sa mas magandang “return on investment”

kung ikaw ay di malikot at galit sa pagtitrade ng uitf – lalo ang bond fund, wag na ituloy ang pagbabasa, masasaktan ka lang…

ito ang “case A” kung saan ang interest rate ay “stable” sa 4, maliban sa huling araw na nasa 3 (“rate cut”)

tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) abril 14, 2015 – hunyo 23, 2016
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.66, pinakamababa sa 1.62, nagtapos at pinakamataas sa 1.72… kita natin ang 3 pares ng “trend”… ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…

tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita sa tsart 2 ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case A”, pansin nyo na umabot sa -2.50% ang paperloss…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 250.00
market value – 9,750.00

kung kaya mo yan, ibig sabihin ayos lang sayo maging “holder” ng bond fund kung ito ay “stable”…
sa bandang huli natapos ang “case A” na umabot sa halos +4.00% ang papergain…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 400.00
market value – 10,400.00

ayos na rin di ba? pero sayang din yung -250.00. paano kung doon tayo nagsimulang bumili? aba! kelangan na natin ng bolang kristal nyan… para sa katuwaan, tingnan natin kung magkano ang “return on investment” ng isang trader na may bolang kristal…
  
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
kung babalikan nyo ang tsart 1, dun nakabase ang malamanghuhulang diskarte na to… sabi natin may 3 pares ng “trend”… ibig sabihin may 3 pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3, ito ang mga “returns” natin, “roundoff” na lang natin para hapi – 2%, 1% at 6%... kung walang “compounding” na magaganap, nasa 9% ang “return” natin…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 900.00
market value – 10,900.00

ayos kung may bolang kristal no? e pano kaya kung pati maliliit na “fluctuations” ay pinatulan pa… hayahay sana ang buhay…

lipat tayo sa malikot pero makatotohanan… ang bersyon 3

tsart 4 – bersyon 3  “the reactor”
kelan mas magandang bumili ng isang asset? kung alam mong tataas ang halaga. kelan mas magandang magbenta ng isang asset? kung alam mong pababa ang halaga. madali sabihin, pero ang tanong ay kung “alam mo ba?”

pwede mong aralin ang “fluctuations”, minsan kasi yung pagbaba ng bahagya ay baka hudyat para sa mas mabilis na pagangat… ganun din pag tumaas ng minsan, di ibig sabihin na hudyat na yun para bumili, baka kasi bigla na lang bumilis ang pagbaba… pwede kang magtakda kung ilang porsyento bago bumili o magbenta… kaya “the reactor” tawag natin kasi aantayin muna galaw ng presyo, at “react” base dun…

halimbawa, +1% ang tinakda mo bago bumili at nasa 1.010000 ang pinakamababang navpu? bibili? hindi. naging 1.009000, bibili? hindi. naging 1.000001, bibili? hindi. naging 1.000000, bibili? hindi. bumalik sa 1.009000, bibili? hindi. naging 1.010000, bibili? oo. kasi ang pinakahuling pinakamababa ay 1.000000 at kapag nagdagdag ka ng 1%, base sa itinakda mo ay papalo yan sa 1.010000. pero syempre, ang mabibili mo ay yung susunod na presyo na, dahil wala namang nakakaalam ng navpu hanggat di pa tapos ang transaksyon (bili o benta man). pansin mo? na kapag bibili ka, di yung mismong presyo dapat ang inaabangan mo? kundi yung “galaw” nya?

halimbawa lang yan, kelangan magtakda ka ng sarili mong porsyento…

kung base sa tsart 4, “the reactor”, ang “returns” ay 1.50%, halos 0.00%, at lagpas 5.00%... pag pinagsama, nasa 6.5%...

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 650.00
market value – 10,650.00

aral, “caveat” at mga payo

balikan lang natin kung ano ang karaniwang tingin sa uitf… base sa klase

equity funds – mas mataas na “risk tolerance” at mas matagal na “investment horizon”… dahil yan sa malaking paggalaw… isipin mo na lang na galing ang index fund mula 9k at ngayon nasa 5k tayo, tumataginting na -44.44%... at isipin mo rin na ilang taon ang kelangan ng mula 5k patungong 9k…

bond funds – nasa “medium” dapat ang “risk tolerance” mo, pati “investment horizon” ay medium din… dahil hindi ganun kalikot gumalaw ang bonds at government securities, at kahit bumaba man ng -20%, ay di naman ganun katagal bago bumalik sa “average value”…

money market fund – “conservative risk tolerance” at mas maigsing “investment horizon”…dahil maliit lang ang paggalaw at “generally upward”… kung bumaba man ay mababawi naman ito ng ilang linggo…

dahil dyan, ay papayuhan ka ng “hold ka lang” babalik din yan… pero kung may magagawa para sa mas mataas na “return on investment”, e di yun ang  gawin… tama?

e kung ganun dapat “trade” na lang lahat? di naman maganda yun dahil kung mas malikot ka gumalaw baka yun pa ang dahilan ng pagkalugi mo… kaya dapat hanapin mo yung “sweet spot” ng paggalaw base sa “asset” at sa “lifestyle” mo… baka sapat na ang “weekly” na paggalaw mo sa “investment” mo… wag gayahin ang mga eksperto, dahil utaknewbie tayo… ako lang pala… walang tayo…

rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case A” gamit ang 10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 10,400.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 10,900.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,650.00

subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…

hanggang sa muli… tinginingining…

No comments:

Post a Comment