Tuesday, October 23, 2018

Imbes - Peso Cost-Averaging (PCA)

Noong tinanong ko si Propesor Google, andami nyang pinagsasabi tungkol dyan… sa Cost Averaging na yan. Depende na lang kung anong currency ang gamit. Pero base sa pagkakaintindi ko, ang cost-averaging ay pamamaraan sa pagiimbes na kung saan naglalagay ka sa imbesment sa “regular time interval” ng parehong halaga ng pera. Pwedeng kada buwan naghuhulog ka ng Php5,000.00 sa UITF (o anupamang imbesment), o kada linggo sa halagang Php1,000.00, o kaya naman ay Php10,000.00 kada quarter.

    May mga assumptions ito tungkol sa gagamit nito:
  1. Walang pakialam sa galaw ng merkado. Pag bumaba, bili. Pag tumaas, bili. Hanggang mailagay ang itinakdang halaga o tagal ng paglalagay.
  2. May regular income ang gagamit. Para walang palya, base sa “time interval” na gagamitin.
  3. May kinalaman sa (1), masyadong abala o hindi bet ang pagaaral sa galaw ng merkado.

Meron pa ba akong nakalimutan? Pwede niyong dagdagan. Bago ko pala makalimutan, ang cost-averaging ay isa lang sa mga pamamaraang “in tranches” na iba sa lump sum. Subukan kong sumulat ng iba pang “in tranches” na pamamaraan.

Dahil ito ang una kong sinubukan, di tulad ng lump sum, ilalapit ko ang mga halimbawa sa orihinal kong plano. Ang plano? Makapaglagay sa SBPSEQF (tingnan din natin sa PSEi) ng Php100,000.00 sa loob ng isang taon. Naisip kong kada buwan ang “time interval” at Php10,000.00 ang halaga. Kaya aabot ito hanggang Oktubre lamang.

    Tatlong halimbawa ulit ang gagawin ko:
  1. Sa umpisa ng buwan
  2. Sa kada araw ng buwan kung saan kasama ang pinakamataas na halaga
  3. Sa kada araw ng buwan kung saan kasama ang pinakamababang halaga.
    1. PSEi

      Petsa(1)Petsa(2)Petsa(3)
      3-Jan8,724.1329-Jan9,058.62^11-Jan8,813.25
      5-Feb8,616.001-Mar8,465.7712-Feb8,487.91
      5-Mar8,386.172-Apr8,039.4512-Mar8,453.50
      3-Apr8,048.7230-Apr7,819.2511-Apr7,943.93
      3-May7,535.1029-May7,602.3611-May7,752.11
      4-Jun7,579.6129-Jun7,193.6811-Jun7,771.30
      3-Jul7,267.3430-Jul7,773.3211-Jul7,333.73
      3-Aug7,819.3929-Aug7,830.9613-Aug7,635.27
      3-Sep7,832.221-Oct7,222.0811-Sep7,518.01
      3-Oct7,210.8719-Oct7,151.5211-Oct6,884.38*
      Average7,901.967,815.707,859.34
      %Gain(Loss)(9.50%)(8.50%)(9.01%)
      Paper Asset**90,503.1791,501.9790,993.91

      ^ pinakamataas, * pinakamababa, **sa peso, mula sa capital na Php100,000.00, noong Oktubre 19, 2018

      SBPSEQF

      Petsa(1)Petsa(2)Petsa(3)
      3-Jan2.49303129-Jan2.570543^11-Jan2.518810
      5-Feb2.4684401-Mar2.45508912-Feb2.448824
      5-Mar2.4411132-Apr2.33095912-Mar2.445816
      3-Apr2.33095930-Apr2.27316711-Apr2.310428
      3-May2.21147129-May2.24595411-May2.270121
      4-Jun2.23807429-Jun2.12716711-Jun2.277087
      3-Jul2.13901930-Jul2.26105411-Jul2.161975
      3-Aug2.26600429-Aug2.33261013-Aug2.262908
      3-Sep2.3375711-Oct2.17126211-Sep2.243786
      3-Oct2.16284419-Oct2.14806811-Oct2.082154*
      Average2.3088532.2915872.302191
      %Gain(Loss)(6.96%)(6.26%)(6.69%)
      Paper Asset**93,036.1793,737.1293,305.38

      ^ pinakamataas, * pinakamababa, **sa peso, mula sa capital na Php100,000.00, noong Oktubre 19, 2018

      Mga dapat malaman: ang pinakamababa at pinakamataas ay base sa petsa mula Enero 3, 2018 hanggang Oktubre 19, 2018. May mga pagkakaiba sa petsa dahil sa tumatapat sa panahong walang trading ang itinakdang petsa kada buwan, maliban na lang sa Oktubre 19 sa ikalawang halimbawa sa kadahilanang hindi pa naabot ang petsang itinakda at para pwede nating ikompara sa lump sum (nakaraang post).

        Mga napansin:
      1. Halos di nagkakalayo ang naging paper asset. Pwede ba nating isipin na pare-pareho yan kahit anong araw sa kada buwan? Maliban na lang siguro kung kada kinsenas ay bumababa ang halaga. Pero wala tayong nakitang ganun.
      2. Lahat sila ay paperloss. Dahil yan sa downtrend. Kung uptrend papergain yan. Pero hindi ba kahit anong pamamaraan sa uptrend, papergain?

      May napansin pa ba kayong iba?

        Paano kaya maikokompara sa lump sum?
      1. Kung downtrend, at ang lump sum ay naibili sa taas (kahit hindi peak), mas malaki ang paperloss ng lump sum kesa cost-averaging.
      2. Kung downtrend, at ang lump sum ay naibili sa bandang baba (kahit hindi bottom), mas malaki ang paperloss ng cost-averaging kesa lump sum.
      3. Kung uptrend, at ang lump sum ay naibili sa bandang baba (kahit hindi bottom), mas malaki ang papergain ng lump sum kesa cost-averaging.
      4. Kung uptrend at ang lumpsum ay naibili sa bandang taas (kahit hindi peak), mas malaki ang papergain ng cost-averaging kesa lump sum.
      5. Kung downtrend, mahihila mo pababa ang average sa cost-averaging. Lump sum yun na yun.
      6. Kung uptrend, mahihila mo pataas ang average sa cost-averaging. Lump sum yun na yun, angkulit.

      Malinaw ba? Sana. Ulitin lang natin na base lang ito sa posibleng nangyari kung striktong cost-averaging ang ginamit mula noong Enero 2018. Isipin din na marami pang iba sa loob ng “in tranches”. Subukan ko ipaliwanag kung ano pagkakaintindi ko sa mga yun. Tulad ng “catching knife” at iba pa na pwedeng gamitan ng mga tools sa pagaaral sa galaw ng merkado.

      Sana nakatulong ulit. Kung may nakita kayong mga Miss, miss information, miss concepcion at miss understanding ko sa mga bagay-bagay, ipaalam lang sa akin, #utaknewbie kasi.🐻☕

No comments:

Post a Comment