- photography – writing/drawing of light, light ang imporante sa potograpi
- parts of camera – buttons, LCD, viewfinder, sensor, body, lens
- exposure triangle – aperture, shutter speed, iso
- aperture – lens opening, f stop
- malaking f stop – maliit ang opening, small aperture, kunti papasok na light, mas madilim
- maliit na f stop – malaki ang opening, large aperture, madami papasok na light, mas maliwanag
- aperture also affects depth of field – area of focus point
- small aperture – large depth of field
- large aperture – narrow depth of field
- shutter speed – amount of time light is allowed to enter the sensor
- slower shutter speed – mas maliwanag
- faster shutter speed – mas madilim
- shutter speed also affects motion
- slower shutter speed – blur, 1sec, 1min or more
- bulb mode – unli expose until you let go of the shutter button
- faster shutter speed – freeze, 1/500 sec
- iso – sensor sensitivity to light
- higher iso – more sensitive to light, mas maliwanag
- lower iso – less sensitive to light, mas madilim
- iso also affects noise/grain
- ideal – lower iso
- needed when shutter speed and aperture cannot achieve the level of exposure we want – higher iso
- camera/shooting modes – full manual (m), aperture priority (av, a), shutter speed priority (tv, s), program mode (p), automatic mode (auto)
- full manual (m) – input aperture, shutter speed, iso to get the exposure level
- aperture priority (a, av) – input aperture value, set exposure level, the camera tries to provide other values
- shutter speed priority (s, tv) – input time value, set exposure level, the camera tries to provide other values
- program mode (p) – set exposure, camera does the rest
- automatic mode (auto) – avoid (if you want to learn photography)
- exposure meter – can be seen on viewfinder and/or lcd display
- center (exposure meter) – sakto
- right/plus side (exposure meter) – over exposure
- left/minus side (exposure meter) – under exposure
- composition guidelines – rule of thirds, frame within a frame, leading lines, different perspectives, symmetry, motion, vibrant colors, shapes, patterns, texture, shadows, silhouettes, reflections
- 7 tips – understand how your camera operates, always look at the light, experiment with angles (perspectives), get closer, never make your gear an excuse, keep learning, best way to get better is to shoot
Wednesday, June 3, 2020
Basic Photography
Monday, May 25, 2020
Bond Fund Review – Isa Pa!
kung babalikan natin kung saan nagsimula ang pagaaral na to…
mapapansin na pagkatapos ng “trend B” ay umangat pa ang navpu ng sbpsuit (sb
peso bond fund)… di natin sinasabi na mangyayari ulit ang “trend” na yan
sakaling mapatid na ang sunod sunod na “rate cuts”… pero ayos na rin na isama
natin sa “review”…
ulitin ko lang – di
natin sinasabi na mauulit ang “trend B” pagkatapos ng sunod sunod na “rate cuts”
ang kasunod na tsart ay ang “interest rates” ayon sa bsp
(banko sentral ng pilipinas) mula setyembre
13 2012 hanggang hulyo 31 2014…
inumpisahan natin ito bago ang pinakahuling “rate cut” hanggang sa pinakaunang
“rate hike” (o pagkatapos ng “trend B”)
sinusundan ito ng tsart ng navpu ng sbpsuit sa parehong taym
prem… nagumpisa ito at pinakamababa sa bandang 1.36, pinakamataas sa 1.71, at
natapos sa 1.57… 4 na pares ng “trends” ang isasama natin sa pagaaral…
bersyon 1 – “the
holder”
ang tsart naman sa mismong baba ay nagpapakita ng “return on
investment” ng kada navpu ng sbpsuit… umakyat ito sa 25.23% pero natapos ito sa
15.33%... kung iisipin, sayang ang halos 10% na nawala mula sa pinakamataas
(kaya wag na lang isipin), pero nakakatuwang malaman na walang “significant
paperloss” na nangyari… umabot lang ito sa -0.47% (tuwa)... kaya ayos din na
patapusin ang taym prem na ito…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 15.33%
market value – 11,533.00
bersyon 2 – “the
fortune teller”
tulad sa mga nakaraang pagaaral, “bolang kristal" ang ginamit dito… pero di tulad sa mga nakaraan, isinama natin dito ang “potential loss”… ito ang lumabas sa “bolang Kristal” – +25.23%, -9.20%, +4.77%, -4.61%, +3.94%, -5.61%, +4.28%, at -1.81%... kung kukunin lang natin ang mga “gains” umaabot yan sa +38.22%
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 38.22%
market value – 13,822.00
bersyon 3 – “the
reactor”
base sa tsart sa baba, ito ang mga “returns” – +22.70%, +2.20%, +1.54%, +2.20%... umabot ito ng 28.64%
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 28.64%
market value – 12,864.00
aral, “caveat” at mga
payo
para mas madaling tingnan, ito kinalabasan sa 10,000.00 na kapital…
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 11,533.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 13,822.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 12,864.00
“interesting” na malaman na naging maayos pa rin ang kinalabasan ng “the holder” kahit natapos na ang sunod sunod na “rate cuts”… pero mas ayos kung gumamit na ng “stop loss” base sa “risk tolerance” mo… halimbawa kung -5.00% mula sa pinakamataas, marahil +20.00% ang kinalabasan ng “the holder” natin, dahil pwede namang unti unting magbawas sa “bond fund” natin kung “stable” ang “interest rates” pagkatapos ng sunod sunod na “rate cuts”…
pero tulad ng nabanggit na natin… di natin sinasabi na
mauulit pa ang nakaraan kahit sabihin pa nating “history repeats itself”…
inaanyayahan ko rin kayong aralin ang iba pang mga bagay na
pwedeng tumulong sa inyo kung paano magkaroon ng tamang pagpapasya sa
imbestment na pinapasukan, tulad ng “bond yield” sa “bond fund”… at kung ano
ano pa…
at paalala… ang pagaaral na ito ay hatid sa inyo ng isang utaknewbie… kaya mainam kung budburan ito ng asin…
hanggang sa muli… tinginingining…
Sunday, May 24, 2020
Bond Fund Review – Buod
bilang pagtatapos sa “series” na ito, gusto ko lang balikan ang “returns on investment” ng tatlong ibat ibang bersyon – “the holder”, “the fortune teller”, at ang “the reactor” sa apat na “cases” na napagusapan na natin. pero ang totoo nyan ay dalawa lang ang pwede nating gawin dyan, maliban na lang kung nahanap na natin kung sino may hawak ng “bolang kristal" sa imbestment…
ang pinakamadaling gawin ay ang “the holder” dahil naniniwala ito sa “looong term” at walang masama dun… di gaano “stress”… hayahay… pasok pa din naman sa “the holder” kapag bumitaw sa hudyat ng interest rates base sa banko sentral ng pilipinas… yan ay kapag may “rate hike” na…
ang “the reactor” bagamat pwedeng gayahin ay iba iba ito base sa “risk tolerance” at sa “depth” ng pagaaral… medyo “stressful” din ito dahil kelangan inaabangan mo ang “market value” ng imbestment mo at dun papasok ang “reaction” kung bili pa, hold muna o benta na…
ang mga lamesa (table) sa baba ay buod ng ibat ibang bersyon, makikita ang % “return on investment” at “market value” ng 10,000 na kapital…
iniiwan ko na sa inyo ang pakahulugan sa lamesang to…
Case
|
“the holder”
|
“the fortune teller”
|
“the reactor”
|
Case A – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate
hike)
|
10,400.00
(+4.00%)
|
10,900.00
(+9.00%)
|
10,650.00
(+6.50%)
|
Case B – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate cut)
|
9,700.00
(-3.00%)
|
10,750.00
(+7.50%)
|
10,250.00
(+2.50%)
|
Case C – kapag ang interest rate ay “pataas” (rate hikes)
|
10,179.00
(+1.79%)
(pwedeng lagpasan to pag bumabase sa bsp interest rates)
|
11,137.00
(+11.37%)
|
10,716.00
(+7.16%)
|
Case D – kapag ang interest rate ay “pababa” (rate cuts)
|
11,954.00
(+19.54%)
|
12,478.00
(+24.78%)
|
11,659.00
(+16.59%)
|
pwedeng balikan ang mga sumusunod para sa mga detalye ng
pagaaral na to –
Bond Fund Review Case D – kapag ang interest rate ay“pababa” (rate cuts)
dyan muna tayo... hanggang sa muli... tinginingining...
dyan muna tayo... hanggang sa muli... tinginingining...
Bond Fund Review Case D – kapag ang interest rate ay “pababa” (rate cuts)
ang nakaraans –
ano ulit ang “basic”? –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
isasama natin ang “fluctuations” sa pagaaral na to
ito ang “case D” kung saan ang interest rate ay pababa mula 4.5,
4.25, 4, 3.75, at 3.25… ayon sa tsismis ay di muna “considered” ng banko
sentral ng pilipinas (bsp) ang “rate cut” (as of this writing) kaya baka ito na ang pinakahuling
“rate cut”… pakibudburan ng asin…
tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) pebrero 8,
2019 – abril 13, 2020
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.63, pinakamababa sa 1.62,
pinakamataas at nagtapos sa 1.95… kita natin ang 3 pares ng “trend” di na natin
sinama ang huling “trend” sa “analysis”… “visual accessory” na lang… ibabase
natin dyan ang mga pagaaral sa baba…
tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita ang “return on investment” kada navpu sa tsart 2… kaya
kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case D”,
pansin nyo na halos walang paperloss… kaya wag na nating pansinin
natapos ang “case D” na merong +19.54% “return”
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 1,954.00
market value – 11,954.00
igiit lang natin ang ideya na ito… ginamit nating hudyat ang isang “rate cut” at nakahold lang tayo
hanggang sa sinusulat natin to dahil sa sunod sunod ang “rate cut” at wala pang
“rate hike”…
hanggang saan kaya tayo aabutin? aabot kaya tayo ng 30% bago
magkaroon ng “rate cut”?
e kumustahin kaya natin ang manghuhula?..
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… may 4 pares ng
“trend”… kaya may apat na pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang
tsart 3, ito ang mga “returns” natin – 4.82%, 11.14%, 3.42% at 5.40%... kung
walang “compounding”, nasa 24.78% ang “return” natin…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 2,478.00
market value – 12,478.00
sino dito ang manghuhulang may uitf?.. patulong us...
bersyon 3 na nga tayo…
tsart 4 – bersyon 3
“the reactor”
sa tsart 4, “the reactor” ang “returns” ay 3.91%, 8.24%,
1.62% at 2.82%... pag pinagsama, nasa 16.59%...
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 1,659.00
market value – 11,659.00
aral, “caveat” at mga
payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case D” gamit ang
10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 11,954.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 12,478.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 11,659.00
kung babalikan nyo ang mula “case A” hanggang “case C” may
kakaiba sa “case D”… pansinin ang “the holder” at “the reactor”… mas mataas si
“the holder” kesa “the reactor” di ba? ibig bang sabihin na di dapat puro “react”?
e di sige…
ito na ang huli sa “series” na ito – ang bond fund review
tandaan na ito ay para sa pagaaral lamang, lahat ng isinulat
sa blog na ito ay dapat binubudburan ng asin… gumawa rin ng sariling pagaaral
para makahanap ng diskarte na swak sayo…
pagiisipan ko pa kung gagawa ako ng buod ng “series” na ito…
pero sa ngaun… paalam muna mga kapwa utaknewbie…
tinginingining…
Sunday, May 17, 2020
Bond Fund Review Case C – kapag ang interest rate ay “pataas” (rate hikes)
ang nakaraans –
ulit ng makulit –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
may “fluctuations” pa rin kaya isasama natin sa pagaaral na
to
ulit – para lang ito sa malilikot…
ito ang “case C” kung saan ang interest rate ay pataas mula
3.25, 3.5, 4, 4.5, 4.75, maliban sa huling araw na bumalik sa 4.5 (“rate cut”)…
tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) mayo 11, 2018
– pebrero 7, 2019
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.60, pinakamababa sa 1.51,
pinakamataas sa 1.64 at nagtapos sa 1.63… kita natin ang 2 pares ng “trend”…
ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…
tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
sa tsart 2 kita ang “return on investment” kada navpu… kaya
kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case C”,
pansin nyo na umabot sa -5.60% ang paperloss…
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 560.00
market value – 9,440.00
kung walang problema sayo ang ganyang paperloss, kakayanin
mo hanggang matapos ang “case C”…
pero tandaan na kapag nagbabase ka lang sa galaw ng
“interest rates” di ka na dapat pumasok, dahil pataas ito (rate hike)…
e pano kung tinuloy mo pa rin at tinapos ang “case C”?
magkakaroon ka ng +1.79% na “return”
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 179.00
market value – 10,179.00
“worth it” ba sayo ang posibilidad na kumita ng +1.79%
kasama ang posibilidad na magkaroon ng paperloss na -5.60%? kung hindi, maiging iwasan ang bond
fund tuwing “rate hikes”… “at all costs”…
ano pa nga ba ang susunod? e di yung kamaganak ni madam
auring…
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
tulad ng dati sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… may
2 pares ng “trend”… kaya may dalawang pagkakataon para kumita… kung titingnan
nyo maigi ang tsart 3, ito ang mga “returns” natin – 2.35% at 9.02%... kung
walang “compounding”, nasa 11.37% ang “return” natin…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 1,137.00
market value – 11,137.00
hanapin na ba natin si madam auring?..
lipat tayo sa bersyon 3…
tsart 4 – bersyon 3
“the reactor”
base sa tsart 4, “the reactor” ang “returns” ay 0.58%, at 6.58%...
pag pinagsama, nasa 7.16%...
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 716.00
market value – 10,716.00
aral, “caveat” at mga
payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case C” gamit ang
10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 10,179.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 11,137.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,716.00
ginawa lang natin ang bersyon 1 para makita ang “return”
pero kung sinusunod mo ang galaw ng “interest rates” di na dapat nangyari yan…
pero… yung “the reactor” mukhang pwede sya sa tatlong nagawa
na natin… mula “case A”, “case B” at kahit pa may “rate hike” sa “case C”…
tingin nyo?
subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo
ang magandang utaknewbie diskarte…
hanggang sa huling case… tinginingining…
Saturday, May 16, 2020
Bond Fund Review Case B – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate cut)
ang nakaraans –
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.72, pinakamababa sa 1.56,
pinakamataas sa 1.78 at nagtapos sa 1.59… kita natin ang 2 pares ng “trend”…
ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…
tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita sa tsart 2 (paunawa, namali ang petsa) ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case B”, pansin nyo na umabot sa -6.05% ang paperloss…
ibig sabihin
kung kaya mo yan, ibig sabihin ayos lang sayo maging “holder” ng bond fund kung ito ay “stable”… sa bandang huli natapos ang “case B” na umabot sa halos -3.00% ang paperloss… pa rin…
ibig sabihin
samakatwid, di maganda ang “hold” kung itong “case B” ang paguusapan… lipat tayo sa paboritong bolang kristal…
ibig sabihin…
dabes talaga kung may bolang kristal no?..
ibig sabihin…
subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…
hanggang sa muli… tinginingining…
ulit –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
andyan pa rin ang “fluctuations”
kung isasama natin ang “fluctuations”, baka may pwedeng
gawin para sa mas magandang “return on investment”
ulit – para lang ito sa malilikot…
ito ang “case B” kung saan ang interest rate ay “stable” sa
3, maliban sa huling araw na nasa 3.25 (“rate hike”)… tandaan na katatapos lang
ng “rate cut” bago ang case B
tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) hunyo 24,
2016 – mayo 10, 2018
tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita sa tsart 2 (paunawa, namali ang petsa) ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case B”, pansin nyo na umabot sa -6.05% ang paperloss…
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 605.00
market value – 9,395.00
kung kaya mo yan, ibig sabihin ayos lang sayo maging “holder” ng bond fund kung ito ay “stable”… sa bandang huli natapos ang “case B” na umabot sa halos -3.00% ang paperloss… pa rin…
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 300.00
market value – 9,700.00
samakatwid, di maganda ang “hold” kung itong “case B” ang paguusapan… lipat tayo sa paboritong bolang kristal…
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… sabi natin may 2 pares ng “trend”… ibig sabihin may dalawang pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3 (paunawa, namali ang petsa), ito ang mga “returns” natin – 3.25% at 4.25%... kung walang “compounding” na magaganap, nasa 7.50% ang “return” natin…
sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… sabi natin may 2 pares ng “trend”… ibig sabihin may dalawang pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3 (paunawa, namali ang petsa), ito ang mga “returns” natin – 3.25% at 4.25%... kung walang “compounding” na magaganap, nasa 7.50% ang “return” natin…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 750.00
market value – 10,750.00
dabes talaga kung may bolang kristal no?..
lipat tayo sa bersyon 3…
base sa tsart 4 (paunawa, namali ang petsa), “the reactor”
ang “returns” ay 1.50%, at lagpas 1.00%... pag pinagsama, nasa 2.50%...
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 250.00
market value – 10,250.00
aral, “caveat” at mga
payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case B” gamit ang
10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 9,700.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 10,750.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,250.00
subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…
hanggang sa muli… tinginingining…
Monday, May 11, 2020
Bond Fund Review Case A – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate hike)
ang nakaraan –
paglilinaw - ang post na yan ay di nasunod ang eksaktong petsa ng "rate cuts" at "rate hikes"... pero sa mga pagaaral sa "series" na to, susundan natin ang eksaktong petsa...
napagalaman natin ang reaksyon ng bond fund sa pagbabago ng
interest rates
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
pero nalaman din natin na may mga “fluctuations” pa rin…
kung ibabase lang
natin sa galaw ng interest rates ay maaaring ganito ang pwede nating gawin
kapag may “rate” cut – bumili ng units, pwedeng kada “rate
cut” ay magdagdag ng units
kapag “stable” ang interest rates – “hold”… wag muna bumili
o tumigil muna sa pagdagdag ng units
kapag may “rate hike” – magbenta ng units, pwedeng kada
“rate hike” ay magbawas ng units
pero kung isasama natin ang “fluctuations”, baka may pwedeng
gawin para sa mas magandang “return on investment”
kung ikaw ay di malikot at galit sa pagtitrade ng uitf –
lalo ang bond fund, wag na ituloy ang pagbabasa, masasaktan ka lang…
ito ang “case A” kung saan ang interest rate ay “stable” sa
4, maliban sa huling araw na nasa 3 (“rate cut”)
tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) abril 14,
2015 – hunyo 23, 2016
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.66, pinakamababa sa 1.62,
nagtapos at pinakamataas sa 1.72… kita natin ang 3 pares ng “trend”… ibabase
natin dyan ang mga pagaaral sa baba…
tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita sa tsart 2 ang “return on investment” kada navpu… kaya
kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case A”,
pansin nyo na umabot sa -2.50% ang paperloss…
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 250.00
market value – 9,750.00
kung kaya mo yan, ibig sabihin ayos lang sayo maging
“holder” ng bond fund kung ito ay “stable”…
sa bandang huli natapos ang “case A” na umabot sa halos
+4.00% ang papergain…
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 400.00
market value – 10,400.00
ayos na rin di ba? pero sayang din yung -250.00. paano kung
doon tayo nagsimulang bumili? aba! kelangan na natin ng bolang kristal nyan…
para sa katuwaan, tingnan natin kung magkano ang “return on investment” ng
isang trader na may bolang kristal…
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
kung babalikan nyo ang tsart 1, dun nakabase ang
malamanghuhulang diskarte na to… sabi natin may 3 pares ng “trend”… ibig
sabihin may 3 pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart
3, ito ang mga “returns” natin, “roundoff” na lang natin para hapi – 2%, 1% at
6%... kung walang “compounding” na magaganap, nasa 9% ang “return” natin…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 900.00
market value – 10,900.00
ayos kung may bolang kristal no? e pano kaya kung pati
maliliit na “fluctuations” ay pinatulan pa… hayahay sana ang buhay…
lipat tayo sa malikot pero makatotohanan… ang bersyon 3
tsart 4 – bersyon 3 “the reactor”
kelan mas magandang bumili ng isang asset? kung alam mong
tataas ang halaga. kelan mas magandang magbenta ng isang asset? kung alam mong
pababa ang halaga. madali sabihin, pero ang tanong ay kung “alam mo ba?”
pwede mong aralin ang “fluctuations”, minsan kasi yung
pagbaba ng bahagya ay baka hudyat para sa mas mabilis na pagangat… ganun din
pag tumaas ng minsan, di ibig sabihin na hudyat na yun para bumili, baka kasi
bigla na lang bumilis ang pagbaba… pwede kang magtakda kung ilang porsyento
bago bumili o magbenta… kaya “the reactor” tawag natin kasi aantayin muna galaw
ng presyo, at “react” base dun…
halimbawa, +1% ang tinakda mo bago bumili at nasa 1.010000
ang pinakamababang navpu? bibili? hindi. naging 1.009000, bibili? hindi. naging
1.000001, bibili? hindi. naging 1.000000, bibili? hindi. bumalik sa 1.009000,
bibili? hindi. naging 1.010000, bibili? oo. kasi ang pinakahuling pinakamababa
ay 1.000000 at kapag nagdagdag ka ng 1%, base sa itinakda mo ay papalo yan sa
1.010000. pero syempre, ang mabibili mo ay yung susunod na presyo na, dahil
wala namang nakakaalam ng navpu hanggat di pa tapos ang transaksyon (bili o
benta man). pansin mo? na kapag bibili ka, di yung mismong presyo dapat ang
inaabangan mo? kundi yung “galaw” nya?
halimbawa lang yan, kelangan magtakda ka ng sarili mong
porsyento…
kung base sa tsart 4, “the reactor”, ang “returns” ay 1.50%,
halos 0.00%, at lagpas 5.00%... pag pinagsama, nasa 6.5%...
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 650.00
market value – 10,650.00
aral, “caveat” at mga
payo
balikan lang natin kung ano ang karaniwang tingin sa uitf…
base sa klase
equity funds – mas mataas na “risk tolerance” at mas matagal
na “investment horizon”… dahil yan sa malaking paggalaw… isipin mo na lang na
galing ang index fund mula 9k at ngayon nasa 5k tayo, tumataginting na -44.44%...
at isipin mo rin na ilang taon ang kelangan ng mula 5k patungong 9k…
bond funds – nasa “medium” dapat ang “risk tolerance” mo,
pati “investment horizon” ay medium din… dahil hindi ganun kalikot gumalaw ang
bonds at government securities, at kahit bumaba man ng -20%, ay di naman ganun
katagal bago bumalik sa “average value”…
money market fund – “conservative risk tolerance” at mas
maigsing “investment horizon”…dahil maliit lang ang paggalaw at “generally
upward”… kung bumaba man ay mababawi naman ito ng ilang linggo…
dahil dyan, ay papayuhan ka ng “hold ka lang” babalik din
yan… pero kung may
magagawa para sa mas mataas na “return on investment”, e di yun ang gawin… tama?
e kung ganun dapat “trade” na lang lahat? di naman maganda
yun dahil kung mas malikot ka gumalaw baka yun pa ang dahilan ng pagkalugi mo…
kaya dapat hanapin mo yung “sweet spot” ng paggalaw base sa “asset” at sa
“lifestyle” mo… baka sapat na ang “weekly” na paggalaw mo sa “investment” mo…
wag gayahin ang mga eksperto, dahil utaknewbie tayo… ako lang pala… walang tayo…
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case A” gamit ang
10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 10,400.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 10,900.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,650.00
subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang
magandang utaknewbie diskarte…
hanggang sa muli… tinginingining…
Wednesday, February 19, 2020
Kinalaman ng BSP Interest Rate Decision sa Bond Fund (SBPSUIT)
kinuhanan ng impormasyon
- https://tradingeconomics.com/philippines/interest-rate
- http://www.uitf.com.ph/daily_navpu_details.php?bank_id=12&fund_id=82&fmonth=02&fday=01&fyear=2010&tmonth=02&tday=05&tyear=2020&captcha_uitf=kismetic&btn=Filter#gsc.tab=0
pinanghahawakang ideya
- “interest rate hike” – mas malaking posibilidad ang pagbaba ng halaga ng “bond fund”
- “interest rate cut” – mas malaking posibilidad ang pagtaas ng halaga ng “bond fund”
- “stable interest rate” – maaari ang pagtaas o pagbaba ng halaga ng “bond fund”
gustong malaman sa blogpost na to kung paano naapektuhan ng bsp rate decision ang bond fund (SBPSUIT) sa pamamaraang “visual” at di sa “raw data”. kaya naman, di matatalakay dito kung ilang porsyento ang pagbabago ng bond fund kompara sa pagbabago ng bsp interest rates.
sa loob ng sampung taon (2010-2020) may nakita tayong tatlong pares ng pagakyat at pagbaba ng bsp interest rates. tawagin natin silang trend A, trend B, trend C, trend D, trend E, at trend F. isaisahin natin ang nangyari.
interbal
|
napansin
|
ideya
|
A- (bago mangyari ang trend A)
|
- “stable interest rate” at bahagyang pagangat
|
- pinanghahawakang ideya #3 ay totoo - pwedeng pataas o
pababa ang “bond fund” kapag may “stable interest rate”
|
A (trend A)
|
- “interest rate hike” dalawang beses at tumuloy pa rin
ang pagangat kahalintulad sa A-
|
- pinanghahawakang ideya #1 ay di totoo sa pagkakataong
to dahil paangat pa rin ang “bond fund”. maaaring dahil sa dalawang beses
lang na “interest rate hike”
|
A+ (pagkatapos ng trend A)
|
- “stable interest rate” at halos di nagbago ang galaw
ng bond fund
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3, pataas man o
pababa pwedeng mangyari sa “stable interest rate”
- panibagong ideya - di ramdam ang epekto ng nakaraang
interbal dahil sa kunting “interest rate hike”
|
B (trend B)
|
- “interest rate cut” at di nagbago ang galaw, maliban
lang sa bandang huling bahagi kung saan mabilis ang pagtaas pero bumaba rin
sa halos parehong antas
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #2 dahil paangat ang
“bond fund” sa “interest rate cut”
- ilang beses din ang “interest rate cut” pero ang
pagangat ng “bond fund” ay di sapat sa inaasahan
|
B+ (pagkatapos ng trend B)
|
- “stable interest rate” at mabilis ang pagangat ng
“bond fund”
- bago pa man nagkaroon ng hike, may kabilisan din ang
pagbaba
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3
- malaki ang epekto ng nakaraang “interest rate cut” sa
galaw ng “bond fund” kung may “stable interest rate”
|
C (trend C)
|
- katulad ng A ang dami ng “interest rate hike” (2) at
halos walang galaw ang “bond fund”
|
- di totoo ang pinanghahawakang ideya #1 sa
pagkakataong ito tulad ng sa A
|
C+ (pagkatapos ng trend C)
|
- “stable interest rate” at magkahalong pataas at
pababa ang galaw, pero sa pangkalahatan ay pataas.
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3, pataas man o
pababa pwedeng mangyari sa “stable interest rate”
- panibagong ideya - di ramdam ang epekto ng nakaraang
interbal dahil sa kunting “interest rate hike”
- katulad din sa A+
|
D (trend D)
|
- “interest rate cut” at halos walang paggalaw ng “bond
fund”
|
- di totoo ang pinanghahawakang ideya #2 sa
pagkakataong ito
- isang beses lang ang “interest rate cut” ngunit may
kalakihan
|
D+ (pagkatapos ng trend D)
|
- “stable interest rate” at magkahalong pataas at
pababa ang galaw
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3
- di nakaapekto ang D
|
E (trend E)
|
- “interest rate hike” at bumaba ang “bond fund”
- halos “stable” ang galaw ng bond fund sa bandang huli
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #1
|
E+ (pagkatapos ng trend E)
|
- “stable interest rate” at magkahalong pataas at
pababa ang galaw ng “bond fund”
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #3
- may epekto ang E sa unang kalahating bahagi sa E+
|
F (trend F)
|
- “interest rate cut” at pataas ang “bond fund”
|
- totoo ang pinanghahawakang ideya #2
|
buod ng mga ideya base sa napansin
kasalukuyang galaw ng “interest rate”
|
nakaraang galaw ng “interest rate”
|
(malaking posiblidad na) galaw ng “bond fund”
|
saan napansin (tingnan ang larawan sa taas)
|
stable
|
kunting “rate hike” (2 pababa)
|
magkahalong pataas at pababa, pangkalahatan ay pataas
|
A+, C+
|
stable
|
“rate hike” (3 pataas)
|
magkahalong pataas at pababa (“bullish reversal” pwedeng
nagkataon lang)
|
E+
|
stable
|
kunting “rate cut” (1 lang)
|
magkahalong pataas at pababa
|
D+
|
stable
|
“rate cut” (higit sa isa)
|
pataas
|
B+
|
kunting “rate hike” (2 pababa)
|
stable
|
magkahalong pataas at pababa
|
A, C
|
“rate hike” (3 pataas)
|
stable
|
pababa
|
E
|
kunting “rate cut” (1 lang)
|
stable
|
magkahalong pataas at pababa
|
D
|
“rate cut” (higit sa isa)
|
stable
|
pataas
|
B, F
|
may aral
- maaaring umpisahan ang pagpasok sa “bond fund” kung nagkaroon ng “rate cut” at dagdagan kung tuloy tuloy pa ito
- bantayan ang “bond fund” kung “stable” ang “interest rate” dahil maaaring magumpisa itong bumaba. pwedeng magtakda ng “stop loss” para di tuluyang maubos ang “gain”
- pagkatapos ng sapat na “rate hike” wag agad papasok kung “stable” na o kaya liitin ang “stop loss” dahil pwede pang bumaba ang “bond fund”
ipapaalala lang ng utaknewbie na maging mapanuri sa nababasa at wag basta basta sundin nang di inaaral. ang anumang imbestment ay nakabukas sa mga “risks” na kelangan matutunan bago pasukan.
inaanyayahan ko kayong maghanap din ng ibang “bond fund” at aralin kung paano ang “optimized” na pagpasok at paglabas upang ang perang pinagpaguran ay mapalago o maprotektahan.
ano pa ang napansin nyo sa larawang nasa taas?
Subscribe to:
Posts (Atom)