Wednesday, December 18, 2019

UITF - Money Market Funds


paunawa: ang blog na ito ay mula sa utaknewbie kaya ang mababasa nyo ay suriin mabuti. walang nirerekomenda ang artikulong ito.


sa totoo lang halos magkakadikit, (mukhang parepareho nga) ang mga ideya na mapupulot dyan. kaya sa post na to. gusto ko lang ibahagi ang "pananaw" ko sa mga karaniwang tanong may kaugnayan sa money market ng UITF. ang mga pananaw na to ay base sa impormasyong nababasa ko rin at base sa karanasan ko bilang utak newbie sa larangan ng pagpapalago ng pera.

kung may napansin kayong mali, pwede nyo akong ibash at itama yun... ðŸ˜…☕️☁️

Tanong 1

Ano ang money market fund?

Pananaw: ang money market fund ay "pooled fund" na nakaimbes sa mga "high yield deposit products" tulad ng time deposit. kaya ang "return on investment" nito ay naaayon sa mga ganyang "investment instruments"

Tanong 2

Ilang percent ang "return on investment" ng money market fund?

Pananaw: walang eksakto. di tulad ng direktang time deposit, nagbabago ang roi kada taon ng money market fund kasi - maraming dahilan, ito hula lang... ðŸ˜…☕️☁️... pwedeng tapos na term ng ilang deposits... kelangang ipreterminate ang ilan kung may mga nag "redeem" o may mas magadang deposit product... sa bandang taas nakalista ang mga may matataas ang returns "year to date"... kaya ngayong taon... nasa 3-6% din ang money market funds...

Tanong 3


Saang banko magandang maglagay kapag money market fund na UITF ang kukunin ko?

Pananaw: sa taas, nakasulat ang Union Bank, Asia United Bank, China Banking Corporation, Rizal Commercial Banking Corporation, at BDO Unibank, Inc. kung "return on investment" ang paguusapan... pero kelangan mong "research" ang iba pang bagay tulad ng "holding period", dali ng aplikasyon, dali ng pagbawi ng imbestment, lapit ng banko at marami pang iba. sa pananaw ko, di dapat hinahabol ang "return on investment" dahil nagbabago naman yan, baka sa huli palipatlipat ka ng banko... "hassle"... kaya piliin mo rin yung magbibigay sayo ng iba pang opsyon (sa UITF) para palaguin ang pera mo, maliban sa money market fund...












... itutuloy...