Pages
Wednesday, December 18, 2019
UITF - Money Market Funds
Monday, October 14, 2019
Saan Pwedeng Ilagay ang Pera
talakayin natin ang isa sa mga pinaka natatanong na katanungan mula sa mga madlang imbestor... isama natin ang tatlong klase ng pundo ayun sa pangangailangan... at kung saan pwedeng ilagay ang pundo... ilimit natin sa pitaka, atm at UITF. di natatalakay sa artikulong ito ang alokasyon ng inyong sahod. inaasahan din ng artikulong ito na may pangunahin kang pinagkukunan ng sahod o may kinikita si ikaw.
una, kelangan muna nating alamin kung anong "role" meron ang isang klase ng pundo. pangalawa ay kung saan to pwedeng ilagay.
pang gastos
maaaring ito ay katumbas ng isang bwang sahod o isang bwang gastusin. pasok dito ang mga inaasahang gastusin bwan bwan.
dahil kelangan "liquid" ito ay kelangang nasa baso... este... nasa pitaka mo. kahit kapitbahay mo pa ang banko, abala pa rin ang dumaan dyan para makabili ka lang ng instant na kape.
kung may mga transaksyon naman na pwede ang atm, pwede ring ilagay ang ilang bahagi ng pang gastos mo sa atm. mahirap ding hawak lahat ang pera, malakas ang tukso ng komersyo. kelangan mo lang piliin nang maigi ang banko kung saan mo ilalagak ang pang gastos mo. pwede kang pumili sa mga sumusunod - landbank, chinabank, metrobank, pnb, bpi, security bank. ang tatlo sa bandang huli ay mainam rin para sa "settlement" ng UITF account.
emergency fund
sa aking pagkakaintindi at sa pagkakagamit, ang emergency fund ay binubuo ng anim hanggang isang taong sahod minsan ay higit pa... para sa iba ito ay bwanang gastusin sa halos parehong haba ng panahon... ang pundong ito ang pinakaayaw mong gamitin dahil para ito sa emergency... kayo di ito para sa pangbakasyon o gadget... kung kelangan mo nyan, pagipunan mo... di pwedeng galawin dahil lang sa pakiramdam mo walang mangyayaring emergency kinabukasan... pwedeng sumang ayon kayo sa akin o hindi sa bagay na ito, pero ang emergency fund ay di kelangang "liquid" sa kabuuan nito. ito ang ilang dahilan ko 1) dahil sa merong nakahiwalay na pang gastos 2) dahil malaki laki din ito at 3) dahil ayaw mo ito galawin... sa totoo lang, ito ang "buffer" ko kung sakaling mawalan ng trabaho, sa anim na bwan hanggan isang taon, sa tingin ko makakahanap na ako ng trabaho o nangangalakal na ako... kaya ang pinaka "role" nito sa akin ay panghalili sa sahod kung nawalan ako ng trabaho...
ang ilang bahagi ng emergency fund ay pwedeng nasa ATM lang... pwedeng pangisang bwan ng sahod o gastusin ayos na...
ang malaking bahagi nito ay pwede ring ilagay sa unit investment trust fund - money market fund para kahit paano ay lumago... maaari mo rin namang "redeem" ito at makukuha kinahapunan o kinabukasan... gawin mo lang ito kung malakilaki ang emergency fund mo... maaaring para sa dalawa o limang bwang sahod o gastusin... o kaya 80% ng para sa emergency fund mo...
at kung maganda ganda ang tinatahak ng bond fund, pwede mo ring ilagay ang 10% ng emergency fund mo... maging mahigpit lang sa "trailing stop loss" mo... at dahil, hanggang sa sinusulat ko ito, ay wala akong makitang may teknikal na analysis sa bond ay pwedeng maglagay ka ng "trailing stop loss" na di ka kabado, siguro ay 0.5% hanggang 1% mula sa pinakamataas na napuntahan ng bond fund mo, ayos na...
pang imbest
ang halagang inilagak dito ay mainam na di nakaplanong gastusin sa maigsing panahon. mahalagang maintindihan na ekspos ito sa "risk". ganun pa man, mainam na pagaralan ang ibatibang klase ng imbestment upang mapalago ng maayos ang pundo.
maaaring balikan ang Sa Anong Klaseng UITF Ko Ilalagay ang Pundo? para magkaroon ng ideya sa kung saan pwedeng ilagay ang iyong pang imbest.
sana ay nakatulong ulit ito sa ilan sa inyo. tandaan ang role ng pundo para di malito. magaral mabuti, lalo na kung utaknewbie.
Thursday, August 22, 2019
KPPI Agosto19-20, 2019
- sabado, bago ang lunes, syempre, nag iskan ako ng mga istaks na pasok sa gusto kong gawin
- napagpasyahan ko sa sarili ko na mag trade sa lunes, kung walang ganap ay papasok ako sa "blue chips"... kung meron naman ay tsupit.
- sa umpisa ng trading may napansin akong untiunting dinudumog... napagpasyahan kong bantayan ito at trade ayon sa napagpasyahan kong "set up"
- sinubukan ko mula sa mahabang "time frame" papunta sa pinakamaliit, hanggang nakita kong sumilip na ang "tenkan sen"
- pasya - pumasok ako sa 6.65, lalabas ako sa 6.80... nilagay ko na agad ang TP at sinunod ko... natuwa na ako sa 1%+... subok lang naman...
- ilang minuto pa umaangat pa rin, kaya binalikan ko... may taning ako hanggang 10:30 kaya yun na lang ang "profit taking time" ko
- pumasok sa 7.15 at bago mag 10:30 ay masaya na rin ako sa nakita ko kaya lumabas ako sa 8.07.
dahil sa sobrang tuwa, kinabukasan, binalikan ulit...
- pasya - sundin ang natutunan sa ichimoku, wag lalabas hanggat walang senyales, gusto ko rin makita mismo kung paano gumalaw sa sistemang gusto ko...
- nadatnan ko na sya sa bandang 9 kaya bumili ako sa 9.19 dahil bullish pa daw sya sabi ni ulap...
- nag antay... antay... antay... ng TK cross... kahit lumipad na sya sa bandang 11.20, kelangang sundin ang sinasabi ng puso... este... kumo... 😂☕🐝
- hanggang lumabas na ako sa bandang 10.30
- nakapasok pa kinalaunan sa 10.90 at labas sa 11.60...
- magbuhat nun ay di ko na pinasok pa...
- at dahil bumitaw ako... pangit ako... 😭😂☕🐝
mga aral... may aral...
- kahit imbestor tayo... mag iwan ng bp para sa mga "tsupit moves" lalo kung "bored"
- pumasok nang handa... ayos na yung "bored" ka... kasi kung talo ka man, mawawala ang "boredom" mo... maaasar ka e... di ka pa makatulog...
- sundan ang "setup" na ginawa bago pumasok... maaaring di masyado ramdam kay KPPI dahil patuloy sya sa pagbangga ng kisame... pero malay natin sa mga susunod na araw... bukas kaya? kisame ulit? o langit na? 😂☕🐝
- dapat may "cut loss" din lalo kung napaka "bare", hubad ang "data"... mahirap tingnan kung saan ang support dahil ilang araw pa lang ang KPPI... sa akin kakayanin ko ang -5% kaya nakamarka na yun...
- bukod sa % loss, kelangan ding tingnan kung ilang porsyento sa pangkalahatang pundo mo ang kakayanin mong mawala... halos 10-20k lang ginamit ko, kaya ang -5% ay mga -500 hanggang -1000... kakayanin pa naman yan...
- dapat may parte din kung saan ka magdadagdag... kung sa tingin ay pullback lang, pwedeng magdagdag... yun ang di ko ginawa
- meron pa ba? pakidagdagan naman...
- sa napaka "conservative" TS - tenkan sen, blue, ang tiningnan ko, habang tumataas ang halaga nagiging "moderately aggressive" na ako...
- kaya lilipat ang "trailing stop loss" ko sa KS - kijun sen...
- kung mas mataas na "moderately aggressive"... di ko alam kung meron nun... aantayin ko ang TK cross, bago magbenta
- kung napaka "aggressive" naman ay pwede ang "kumo breakdown"
- habang tumataas ang presyo ay pwedeng iadjust ang "trailing stop loss", mula conservative hanggang aggressive
Saturday, August 17, 2019
PSEI Agosto 16, 2019
- nagkaroon ng TK cross o KT cross kasi baliktad bago pa man magumpisa ang aghosto.
- kasalukuyang nasa loob ng ulap, wag lang mahulog dyan... cloud9 tayo...
- "bearish" ang hinaharap na ulap...
- ilang beses na ayaw palusutin ng TS (blue line) ang presyo, inaasahan (ko) na bababa pa lalo ang TS, at pag nangyari yan, kelangan ng presyo na lumusot sa linya para di sya maitulak pababa ng ulap ni TS... kaya manalangin tayong manatili sya sa ulap... ✌️😅☕🐝
- ang CCI at presyo ay nagpapakita (yata) ng divergence, sa totoo lang di ko alam yun... basta sa bawat pagbaba ng presyo, di na ganun katindi ayun sa CCI...
- ayaw pa rin paawat ng MACD sa pagbaba, kunting pagbagal lang sa MACD line... nagpapahabol siguro sa signal line, para magtagpo na sila... ✌️😅☕🐝...
Wednesday, June 26, 2019
Sa Anong Klaseng UITF Ko Ilalagay ang Pundo?
Tuesday, June 25, 2019
Mga Galaw ko sa Mayo 2019
Mayo 3 - ito siguro ang tamang desisyon, kung "price action" lang ang basehan. kung sa ulap naman, kailangan muna nyang lumusot nang buo sa baba.
Mayo 7, 8, 9, 15 - mga maling maling desisyon kasi... wala pa namang "MACD crossover", 9 at 15 ay nasa baba na ng ulap... sa pagkakaalala ko, "inip" ang dumali sa akin dito... isa pa ang "hope"... dapat wag umasa sa malabo... ✌😂☕
Mayo 17, 22 - pareho sa nakaraang mga araw, "hope" din dumali sa akin, yung hope na "bull trap" di nangyari, mas maigi kung bumili na lang, o walang ginawa... sayang.
Mayo 24 - "rejection" ni tekan sen, sa tingin ko, tama rin itong desisyong ito sa tulong din ng "MACD crossover", mas mataas na "green volume" sa nakaraan kumpara sa sumunod na "red volume"...
Mayo 28 - ayos lang din ito, dapat nilagay na lahat sa equity sa mga panahong ito...
Mayo 30 - wag maliitin ang nagagawa ng "fear" ayan o napabenta ang utaknewbie.✌😂☕
Magiiwan ako ng isang "words of wisdom" na napulot ko sa investagram, ctto...
Usapang Selpon Bateri
Maiba tayo. Para hindi pareho. ✌😂☕ Bago ako magimbest ng pera ay sa selpon ako napapagastos. Pero pangalawang taon na itong hindi pa ako nakakabili. Iba talaga nagagawa ng pagkukuripot. ✌😂☕
Sa post na ito, uusisain ko ang bateri ng mga selpon ko. Yung iba kasi dito nasa kabinet lang, kaya panahon na rin siguro na kumustahin.
Para maisakatuparan ito ay isa isa kong sinukat kong gaano katagal ang "charging" at gaano katagal ang paggamit ng selpon. At ito ang kinalabasan... pero idadaan ko muna sila sa mga "dummy names" ✌😂☕
#15 HTC W
Tagal ng Charge: 03:56HrTagal ng Pag-gamit: 10:55Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera
#14 Sony K
Tagal ng Charge: 05:40HrTagal ng Pag-gamit: 1 Araw at 02:57Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data, Pangunahing Linya
#13 Asus F
Tagal ng Charge: 07:28HrTagal ng Pag-gamit: 4 Araw at 12:47Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Casual Games
#12 Sony 3
Tagal ng Charge: 02:49HrTagal ng Pag-gamit: 1 Araw 03:15Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data
#11 Sony L
Tagal ng Charge: 02:54HrTagal ng Pag-gamit: 2 Araw 00:37Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data
#10 Nokia L
Tagal ng Charge: 02:55HrTagal ng Pag-gamit: 2 Araw 04:41Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Casual Games
#9 LG G
Tagal ng Charge: 01:00HrTagal ng Pag-gamit: 00:00Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Namatay agad, napabayaan ko ito, kailangan bumili ng bateri
#8 Sony M
#7 Nokia N
Tagal ng Charge: 02:00HrTagal ng Pag-gamit: 19:50Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music
#6 HTC D
Tagal ng Pag-gamit: 6 Araw at 13:09Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music
#5 Sony 5
Tagal ng Charge: 02:40HrTagal ng Pag-gamit: 2 Araw at 23:36Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera, Data
#4 Nokia D
Tagal ng Pag-gamit: 3 Araw at 23:22Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music, Camera
#3 Nokia C
Tagal ng Pag-gamit: 10 Araw at 21:40Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music
#2 Lenovo E
Tagal ng Charge: 01:24HrTagal ng Pag-gamit: 3 Araw at 14:35Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music
#1 Nokia A
Tagal ng Charge: 02:22HrTagal ng Pag-gamit: 8 Araw at 21:06Hr
Mga Kadalasang Ginawa: Music
Sunday, April 28, 2019
Anong plano mo sa di inaasahan?
paunawa: ang blog na ito ay mula sa utaknewbie kaya ang mababasa nyo ay suriin mabuti. walang nirerekomenda ang artikulong ito.
Dumeretso sa may larawan kung ayaw ng makwento.✌️😂☕
Reactive Proactive
Sa mga di inaasahang pangyayari pwede tayong maging reactive o proactive. Hango sa mga taong nakasalamuha ko na proactive sa kanilang buhay, ang reactive daw ay paggawa ng desisyon base sa pangyayari. Maaaring solusyon sa isang problema, pagtanggap ng oportunidad o mga kaugnay nyan. Ang proactive naman na tao ay nagkakaroon na ng plano sa mga bagay na di inaasahan pero may posibilidad na mangyari. Minsan hindi malinaw ang pangyayaring iyon. Ang malinaw ay ang epekto nito.
Pero bakit mo ba kailangang isaalang alang ang hindi inaasahan. Diba dapat hayaan na lang, dahil daragdag pa sa alalahanin?
Sabi ng Netizen
Humingi ako ng pananaw ng ilang netizen tungkol sa mga pangyayaring inaasahan gamit ang halimbawang nangyari sa Bank of the Philippine Islands kamakailan. Ngunit para maging malawak ang usapin ay isinama ko ang ilang mga bagay na posibleng mangyari. Ang post ay ang sumusunod:
Ano ang ilan sa mga magagandang gawin kung may “namiss” kang pangyayari sa merkado dahil di mo “maaccess” portal mo?
paunawa tungkol sa mga SS "screenshot" sa baba: ang kanilang opinyon at pinagsasabi ay hindi "nagrerepresent" ng blog na ito. ✌️😂☕ ang "credit" ay nauukol sa kanila.
SS1 SS2 SS3 SS4 SS5 SS6 SS7 SS8 SS9 SS10Ilang komento ay sinubukang ikonekta ito sa iba pang pangyayari. Ayos ding isinasaisip ang ibang bagay para isama sa mga “stimulus” para mangyari ang isang bagay. Dahil siguro sa kasabihang, “everything connects”. Kaya, may kinalaman kaya ang mga nangyayari sa ilang kompanya ng Ayala sa eleksyon? Wala akong masabi.😂☕
Ilan rin ang nagsabi na libangin ang sarili, magbakasyon, “shopping” sa SM, at wag magkaroon ng “gulo ng buhay”. ✌️😂☕
Ang ilan naman ay handang magantay at gawin ang plano sa tamang panahon. Tulad ng antayin magkagain ulit kung sakaling “namiss” ang pagbaba ng merkado.
Huling komento ang nagtanong, at maganda ring mungkahi, na gamitin ang “diversification” din sa emergency funds, ATM savings, trading platform at iba pa. May punto dahil paano na lang kung ang banko kung nasaan ang pundo mo ay “bugged down”? Base sa mga komento sa naturang posts at sa iba pang posts sa aking paboritong grupo ay ito ang maaaring gawin sa nagawang plano.
Dapat Tandaan
REACTIVEPROACTIVESana ay nakatulong ang pagbabasa mo kesa nasayang. ✌️😂☕ Ang punto lang ay, maliban sa merong “trading plan” para sa “entry, exit, hold” kailangan ding maging “proactive” at “anticipate” kung ano pwedeng mangyari. Mga pangyayaring pwedeng pumigil sayo para gawin ang “trading plan” mo.
At lagi ring tandaan, na sa bawat sagat na ibibigay sa iyong katanungan, may mapupulot kang mahalangang kaalaman. Ituloy ang pagiging utaknewbie. Uhaw sa kaalaman, mapanuri, handang magkamali kapalit ng karunungan.
Saturday, February 16, 2019
February 15, 2019 Philippine Stock Exchange index 7908.89
paunawa: ang blog na ito ay mula sa utaknewbie kaya ang mababasa nyo ay suriin mabuti. walang nirerekomenda ang artikulong ito.
nitong linggo, Pebrero 11-15, 2019 ay tila bumaba ang PSEi sa puntong may mga nagbebenta ng kanilang mga investments. nagsimula akong magbenta sa una at pangalawang linggo dahil sa pagiging overbought ng CCI. pero lumalabas na tataas pa ang index kaya ibinili ko muli ang naibenta. ang natutunan ko noon ay dapat gamitin ang naituro ng iba – mainam na gamitin ang MACD kasabay ng CCI. kaya nakapagantay ako ulit hanggang umabot sa 8100. ganun din pinagiisipan ko nang “kumilos” lamang tuwing “weekend”.
ngunit nitong linggo may nabubuong “selling pressure’. tulad na lamang ng NFBS na umabot sa -246M pagkatapos ng halos 20 araw na “buying”. dahil dyan, subukan ng utaknewbie aralin kung ano pinapakita ng 1) price action, 2) Ichi Moku Kenko Hyu at 3) CCI.
Daily Candle
*price action nasa baba na ng “blue line” tenkan sen(?) at “red line” kijun sen(?) sa CCI… galing sa overbought level ang CCI at napunta na sa oversold level… pumailalim na ang “blue” MACD line sa “red” signal line at pababa pa rin ang dalawa.
pansinin ang MACD ng chart sa taas. pumailalim ang “blue line” sa “red line” bago pa matapos ang Enero at “downtrend” ang parehong linya. base sa aking mga nababasa kapag pumailalim ang “blue line” sa “red line” ay signal na para magbenta. pero pwede ring “signal” yun para tingnan ang iba pang indicator. ang PSEi sa mga panahong yan ay nasa mga 8000. ngunit sa ibang pagkakataon ay bumabalik din agad ang “blue line” sa ibabaw ng “red line”.
samantala, nagumpisa nang mapunta sa overbought level ang CCI ilang araw mangyari ang signal sa MACD. ayon din sa aking nabasa, kapag bumalik na sa “shaded area” mula sa overbought level ay “signal” na rin para magbenta. ngunit, tulad ng sa MACD, may mga pagkakataong bumabalik sa overbought level ang CCI. pansinin lang ulit na dumeretso na sa oversold level ang CCI at kasalukuyang nasa oversold level pa rin.
sa Ichi Moku naman, ang “price action” ay nagsara sa baba ng “blue line” (tankan sen?). ayon sa nabasa ko, pwedeng ituring yan na “dynamic support/resistance” pero sya ang pinakamahina sa lahat. may mga pagkakataong nangyari yan simula nung Disyembre 2018 pero “uptrend” nung mga panahong yun. samatala nagsara naman sa baba ng “red line” (kijun sen?) ang price action. hudyat na yun para pagaanin ang investment. bakit hindi redeem lahat? dahil pwedeng bumawi pataas. kaya kung may naiwan pa, bahagi pa rin ng investment moa ng lalago. pero kung tuluyang bumaba, ang bahagi ring yun ang mababawasang ng halaga.
kung tutuusin, nagbigay na ng senyales ang MACD at CCI noong nakaraang linggo. pero di pa sapat para tuluyang ibenta lahat ng investment. sa Ichi Moku naman, pwede ring magantay na magcross ang tenkan sen at kijun sen bago kumilos. pero kung nangyari yun baka lumusot ang “price action” sa cloud (moku) na baka humantong ulit sa “bear market”… huwag naman sana.
ano ang posibleng mangyari? hindi ko alam… pero kung magcross nga ang tenkan sen at kijun sen, baka umabot ang PSEi sa 7800 at kung tumalbog sa ulap ay pwede na ulit matuwa… sa akin, magandang bumalik at dagdagan pa ang investment… syempre wag ako gayahin kung di pa napagaaralan. kung di naman tumalbog sa ulap ay baka umabot tayo sa 7500 – mga 7-8% din mula 8100. pansinin din ang iba pang chart sa baba…
4-Hour Candle
*nagcross na ang “blue line” tenkan sen(?) at “red line” kijun sen at ang huling “candle” ay nasa loob na ng ulap… ang CCI ay nasa oversold level… ang “blue” MACD line ay nasa baba ng “red” signal line at parehong nakaturo sa baba.
Weekly Candle
*nasa taas pa ng dalawang “sen lines” ang price action pero kasalukuyang nagsara ito sa loob ng ulap… kakapasok pa lang ng CCI sa “shaded area” mula sa overbought level… nasa taas ng “red” signal line ang “blue” MACD line.
at bago magdesisyon, lalo kung hindi sigurado kailangang tanggapin ang katutuhanan na paglabas mo posibleng umakyat na at kapag pumasok ka posible ring bumaba… at lahat ng sinulat ko dito ay pawang kathangisip lang. ang mga chart ang makakapagbigay ng “hint” kasama na rin ang “goal” nyo para makagawa ng mainam na pagpapasya… at kung may napansin kayong maling “term” o maling natutunan, ipagbigay alam lamang.
at bago magdesisyon, lalo kung hindi sigurado kailangang tanggapin ang katutuhanan na paglabas mo posibleng umakyat na at kapag pumasok ka posible ring bumaba… at lahat ng sinulat ko dito ay pawang kathangisip lang. ang mga chart ang makakapagbigay ng “hint” kasama na rin ang “goal” nyo para makagawa ng mainam na pagpapasya… at kung may napansin kayong maling “term” o maling natutunan, ipagbigay alam lamang.🐻☕
Thursday, January 10, 2019
Ay Kompes
Dahil sa napipintong pagbabago sa aking skedyul ay mababawasan ang panahon ko sa pakikipagkulitan sa inyo mga kapwa ko utak newbie. Ninais ko rin gumawa ng isang sistema ba pwede kong ibahagi. Ngunit, kagabi at nitong umaga lang ay nakita kong hindi epektibo ito para sa mga gustong palaguin pa ang kanilang imbestment.
Ano ba ang ninais kong gawin. Naisip ko lang na, paano kaya kung isang indicator lang ang gagamitin? Kahit paano ba ay mas makakalikom ng Unit Invesment kaysa lumpsum, PCA o wala ring kaibahan? Sa aking palagay, mas makakabuti ang lumpsum kung kabisado na natin ang galaw ng merkado. Kahit malapit lang sa bottom, sa tingin ko ay mas malaki ang potential return kaysa PCA. Ngunit, doon ang malaking katanungan. Paano tayo makakabili doon? Sapat na ba ang isang indicator? O "the more the manier"? Ang problema kapag isa, pwedeng hindi sapat. Pero kung dadamihan naman, baka maubos ang oras sa "analysis".
Sinubukan kong gamitin ang CCI at kinumpara sa average ng 2018. Ang sistema - 1) bibili ako kinabukasan kung bumaba sa -100 ang CCI ngayon, 2) parang sa (1) pero -200 ang basehan, 3) average ng isang taon.
Ito ang kinalabasan.
- Sa 67 na subscription, pumalo ang average sa 7696.18
- Sa 10 na subscription, pumalo ang average sa 7742.88
- Sa 244 na trading days ng 2018, pumalo ang average sa 7743.70
Samakatuwid, hindi sapat ang CCI. Ang kagandahan nga lang ay may papergain ka na kung umabot na tayo sa 8000 ng PSEi.
Mainam ring balikan ang mga sumusunod na post at tingnan kung kumusta na kaya kung totoo ang mga "fictitious buys". Kung gain na ba sila at kung magkano na.
Imbes - In Tranches
Imbes - Peso Cost Averaging (PCA)
Imbes - Lump-Sum
Salamat, mga ka utak newbie. Sana kahit paano ay nakatulong ako sa inyong "journey". Sana tulungan niyo rin ang iba. Ipasa natin ang naitulong ng iba. Makikipagkulitan pa rin ako sa UITF FB Group aa abot ng aking makakaya. 🐻☕ Hanggang sa muli.
Wednesday, January 9, 2019
Ano ang better bank for UITF?
Ang better bank ay... sekreto. :D Pero kahit best bank, wala rin akong maisagot kung wala tayong tinitingnang criteria. Ano ba ang hinahanap mo sa isang UITF?
Para maging simple ang blogpost na ito, magpokus ako sa Equity Fund UITF at magbabanggit lang ako ng ilang banko. Isaisahin natin ang mga criteria at isasama ko lang ang mga banko na napagtanungan o naitanong ko na dati.
Unang Pamantayan - Holding Period
Ito yung haba ng panahon na hindi mo maaaring bawiin ang investment mo nang walang charge. Ang Equity UITF ng Security Bank (SB) at Bank of the Philippine Islands (BPI) ay walang holding period. Ibig sabihin, pwede mong bawiin o iredeem ang ininvest mo, kinabukasan ng walang early redemption charge. Sa Philippine National Bank (PNB), Banco de Oro (BDO) at Landbank of the Philippines (LBP) naman ay may 30 calendar days na holding period. Pwede namang iredeem ang investment mo kahit hindi pa natatapos ang 30 calendar days, pero may early redemption charge.
Ikalawang Pamantayan - Settlement Period
Ito yung haba ng panahon bago mapunta sa settlement account (savings account) mo ang naredeem mo. Ang BPI, PNB, at LBP ay may settlement period na 3 banking days (banking days - di kasama ang weekend at holidays), samantalang 4 banking days naman sa SB at BDO.
Pangatlong Pamantayan - Online Facility
Ito yung pwede kang magtransact online. Sa PNB ay pwedeng online lahat, mula application (kasama ang risk assessment), opening, subscribe at redeem. Ganun din YATA sa BDO. Sa BPI, sa pagkakaalam ko ay on-the-counter pa rin ang application, kailangan mo pa ring magpunta sa banko, ang ibang transaction ay online na kasama ang opening ng karagdagang UITF sakaling mapagdesisyonan mong magbukas ng money market fund, pagkatapos makapagbukas ng equity fund. Sa SB naman ay subscribe at redeem lang ang online. Kung gusto mong magbukas ng ibang klase ng UITF, kailangan mo ulit magpunta sa banko. Samantalang sa LBP ay on-the-counter ang lahat ng transaction. Subscribe? Takbo sa LBP. Redeem? Takbo sa LBP. Para mahabol ang cut-off time.
Pangapat na Pamantayan - Cut-Off Time
Ang oras na ito ang kung kailan makakahabol ka sa end-of-day (EOD) market value. Kung di mo maabutan, kinabukasang EOD market value na ang makukuha mo. Para sa nakakarami, mas maigi kung mas matagal ang cut-off time, para makapagisip pa ng maigi... o para lalong malito. :D Pero kung kaya mo namang magdesisyon base sa halaga ng PSEi sa pagbubukas pa lang, hindi malaking bagay ang cut-off time sayo. Ang BDO at BPI ay sa 2:30PM pa. Mas maaga naman ng kaunti ang SB sa 1:30PM (kung kailan katatapos lang ng market recess, yung kainan ba :D ) Mas maaga ang PNB sa 1:00PM at pinakamaaga sa napagtanungan ko ang LBP sa 12NN.
Panglimang Pamantayan - Performance
Magpunta lamang sa www.uitf.com.ph para sa year-on-year at year-to-date performance. Pindot-pindot lang kayo doon (dahil antok na ako... at dahil lagi naman yun nagbabago :D )
At Iba Pa
May mga iba pang pwedeng makagulo... este... makatulong sa pagdedesisyon na, sa aking opinyon ay pang-honorable mention na lang. Tulad ng initial investment at minimum additional investment. Pwede ring makita sa www.uitf.com.ph iyan. Karaniwan ay nasa 10,000.00 yan. Andiyan din ang trust fee, pero nakakasama na yan sa pagkompyut sa NAVPU kaya wag na guluhin ang sarili pa. Hanggang sa muli. Sana nakatulong kahit kunti ang inyong utaknewbie.
DISCLAIMER: Ang karamihan sa mga nasasaad dito ay sariling opinyon ng utaknewbie kaya hindi bastabasta pinaniniwalaan. Ganun din, maaaring may mga impormasyong hindi sakto sa katotohanan. Mangyaring bisitahin ang mga link para sa mga naturang impormasyon o magsaliksik.
Anong magandang UITF?
Kung ang UITF Facebook Group ay nagiingay, maraming gusting sumubok at napapatanong ng:
- Saang banko pwedeng maginvest ng UITF?
- Aling banko ang maganda?
- Anong magandang UITF?
At dahil sa mga susunod na araw ay busy na ang utak newbie, subukan kong sagutin sa abot ng aking makakaya.
Saang banko pwedeng maginvest ng UITF?
Halos lahat ng commercial at universal bank ay may UITF Department (Trust Banking Group - TBG). Kaya kung may savings account ka na sa isang banko, maigi na ring doon ka maginvest ng UITF. Pero para makasiguro, tingnan ang listahan sa www.uitf.com.ph sa pinakababang bahagi na may pamagat ng “Member Banks”.
Aling banko ang maganda?
Sa aking opinyon, mas maigi sa banko kung saan may savings account ka na. Tandaan na sa pagbubukas mo ng UITF Account ay kailangan mo ng settlement account – kahit aling deposit account yun. Pero, pwede rin naman magbukas sa ibang banko. Pwedeng isabay mo ang pagbubukas ng savings account, na magsisilbing settlement account mo, at ang UITF Account. Tulad ng ginawa ko sa Security Bank. Mas mahalagang alamin kung anong klase ng UITF ang pipiliin mo o akma sayo. Pagkatapos ay alamin mo kung aling banko ang may magandang annual return sa mga nakaraang taon. Pero tandaan na walang kasiguraduhang makakamit muli ang historical performance.
Anong magandang UITF?
Nakadepende sa risk tolerance mo ang akmang UITF sayo. Malalaman mo kung anong akma sayo pagkatapos mong sumagot sa isang survey na gagawin sa banko. Pwedeng conservative, moderately aggressive, o aggressive ang makukuha mong risk tolerance. Ang ibig lang sabihin ng risk tolerance ay hanggang ilang porsyento ang kaya mong mawala sa kapital mo. Pero tandaan din na kung mas mataas ang risk ng isang UITF ay mas mataas din ang potential return nun.
Isa pa, may kinalaman din umano ang time horizon sa risk tolerance. Mas mataas daw na risk tolerance, mas matagal ang time horizon. Kaya mapapansin mo na ayun sa iba, ang aggressive fund ay panglongterm at ang conservative fund ay pangshortterm. Pero, iba ang opinyon ko dyan. Kahit panglongterm ang nais ko, malaking tulong pa rin ang conservative fund at hindi rin ibig sabihin na wala akong gagawin sa aggressive fund ko. Ngayon, isaisahin ko ang ilang UITF Fund at ikwento base sa opinyon ko. Marami nang blog ang nagsasabi kung anu-ano sila pwede mo iGoogle ang “Types of UITF”, kaya ibahin mo ito. Sana nga maiba.
Money Market Fund (MMF). Nakainvest ang pera mo sa mga high-yield deposit products. Kaya kung plano mo lang mag time deposit na may maturaty date na napakatagal, pwede na ito. Halos paakyat ito lagi. Bihira ka makakakita ng bumababang MMF. Pero syempre, maliit lang kikitain mo dito. Subukan mong tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Money Market Fund 2018 Performance.
Bond Fund – Government Securities and/or Corporate Bonds (BF). Nakainvest naman ito sa mga pautang sa gobyerno at mga korporasyon. Di ako tagatangkilik nito dahil di ko masyado alam ang galawan. Pero base sa kunting kaalaman ko dito, pwede mong bantayan ang mga anunsyo ng Banko Sentral ng Pilipinas kung sila ay magtataas ng interes o hindi sa mga susunod na panahon. Tandaan na kapag nagtaas sila ng interes, bababa ang halaga ng BF mo (kawawa naman ang mga girls). Tataas naman ang halaga ng BF mo kung bababa ang interes. Kaya kung BF ang gusto mo, sa tingin ko pumasok ka kapag stable na – di gaano tumataas o bumababa ang interes. Tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Long Term Bond Fund 2018 Performance.
Equity Fund (EF). Sa stocks naman nakainvest ito. Kung Philippine Index Fund, ibig sabihin halos sumusunod lang sa galaw ng (Philippine Stock Exchange Index / Composite) PSEi ito. Itong klaseng UITF na ito talaga ang nagpapaingay sa UITF Facebook Group, maniwala ka. Meron ding ibang equity fund, kung saan malaya ang TBG na pumili sa mga stocks. Meron ding sa isang klase ng stocks – consumer, high-dividend at iba pa. Meron akong Non-index Equity Fund, pero plano kong magbukas ng Index Equity Fund para magkaroon ng magandang posisyon base sa galaw ng PSEi. Tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Equity Fund 2018 Performance.
Balanced Fund (BEF). Magkahalong Bond Fund at Equity Fund, depende ang alokasyon sa TBG. Hindi rin ako tagatangkilik nito, hindi lang dahil sa hindi ko gaano alam ang galawan ng Bond Fund, pero dahil din sa maghihilaan ang Equities at Bonds. At kahit sabay umakyat ang dalawang ito, hihilain pa rin ng Bonds ang Equities. Yung kikita ka na sana ng 20% sa Equities, magiging 15% pa kung 10% lang ang Bonds sa 50-50 na BEF. Kung pababa naman ang Equities, pwede naman suportahan ng Bonds ang buong BEF. Tingnan ang performance noong 2018 dito: UITF Balanced Fund 2018 Performance.
Kaya sa lahat ng ito, dalawa lang talaga ang paborito ko – MMF at EF. Sana nakatulong.
DISCLAIMER: Ang karamihan sa mga nasasaad dito ay sariling opinyon ng utaknewbie kaya hindi bastabasta pinaniniwalaan. Ganun din, maaaring may mga impormasyong hindi sakto sa katotohanan. Mangyaring bisitahin ang mga link para sa mga naturang impormasyon o magsaliksik.