Pages

Monday, May 25, 2020

Bond Fund Review – Isa Pa!


kung babalikan natin kung saan nagsimula ang pagaaral na to… mapapansin na pagkatapos ng “trend B” ay umangat pa ang navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund)… di natin sinasabi na mangyayari ulit ang “trend” na yan sakaling mapatid na ang sunod sunod na “rate cuts”… pero ayos na rin na isama natin sa “review”…

ulitin ko lang – di natin sinasabi na mauulit ang “trend B” pagkatapos ng sunod sunod na “rate cuts”



ang kasunod na tsart ay ang “interest rates” ayon sa bsp (banko sentral ng pilipinas) mula setyembre 13 2012 hanggang hulyo 31 2014… inumpisahan natin ito bago ang pinakahuling “rate cut” hanggang sa pinakaunang “rate hike” (o pagkatapos ng “trend B”)


sinusundan ito ng tsart ng navpu ng sbpsuit sa parehong taym prem… nagumpisa ito at pinakamababa sa bandang 1.36, pinakamataas sa 1.71, at natapos sa 1.57… 4 na pares ng “trends” ang isasama natin sa pagaaral…


bersyon 1 – “the holder”

ang tsart naman sa mismong baba ay nagpapakita ng “return on investment” ng kada navpu ng sbpsuit… umakyat ito sa 25.23% pero natapos ito sa 15.33%... kung iisipin, sayang ang halos 10% na nawala mula sa pinakamataas (kaya wag na lang isipin), pero nakakatuwang malaman na walang “significant paperloss” na nangyari… umabot lang ito sa -0.47% (tuwa)... kaya ayos din na patapusin ang taym prem na ito…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 15.33%
market value – 11,533.00


bersyon 2 – “the fortune teller”

tulad sa mga nakaraang pagaaral, “bolang kristal" ang ginamit dito… pero di tulad sa mga nakaraan, isinama natin dito ang “potential loss”… ito ang lumabas sa “bolang Kristal” – +25.23%, -9.20%, +4.77%, -4.61%, +3.94%, -5.61%, +4.28%, at -1.81%... kung kukunin lang natin ang mga “gains” umaabot yan sa +38.22%

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 38.22%
market value – 13,822.00


bersyon 3 – “the reactor”

base sa tsart sa baba, ito ang mga “returns” – +22.70%, +2.20%, +1.54%, +2.20%... umabot ito ng 28.64%

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 28.64%
market value – 12,864.00


aral, “caveat” at mga payo

para mas madaling tingnan, ito kinalabasan sa 10,000.00 na kapital…

bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 11,533.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 13,822.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 12,864.00

“interesting” na malaman na naging maayos pa rin ang kinalabasan ng “the holder” kahit natapos na ang sunod sunod na “rate cuts”… pero mas ayos kung gumamit na ng “stop loss” base sa “risk tolerance” mo… halimbawa kung -5.00% mula sa pinakamataas, marahil +20.00% ang kinalabasan ng “the holder” natin, dahil pwede namang unti unting magbawas sa “bond fund” natin kung “stable” ang “interest rates” pagkatapos ng sunod sunod na “rate cuts”…
pero tulad ng nabanggit na natin… di natin sinasabi na mauulit pa ang nakaraan kahit sabihin pa nating “history repeats itself”…

inaanyayahan ko rin kayong aralin ang iba pang mga bagay na pwedeng tumulong sa inyo kung paano magkaroon ng tamang pagpapasya sa imbestment na pinapasukan, tulad ng “bond yield” sa “bond fund”… at kung ano ano pa…

at paalala… ang pagaaral na ito ay hatid sa inyo ng isang utaknewbie… kaya mainam kung budburan ito ng asin…

hanggang sa muli… tinginingining…

Sunday, May 24, 2020

Bond Fund Review – Buod



bilang pagtatapos sa “series” na ito, gusto ko lang balikan ang “returns on investment” ng tatlong ibat ibang bersyon – “the holder”, “the fortune teller”, at ang “the reactor” sa apat na “cases” na napagusapan na natin. pero ang totoo nyan ay dalawa lang ang pwede nating gawin dyan, maliban na lang kung nahanap na natin kung sino may hawak ng “bolang kristal" sa imbestment…

ang pinakamadaling gawin ay ang “the holder” dahil naniniwala ito sa “looong term” at walang masama dun… di gaano “stress”… hayahay… pasok pa din naman sa “the holder” kapag bumitaw sa hudyat ng interest rates base sa banko sentral ng pilipinas… yan ay kapag may “rate hike” na…

ang “the reactor” bagamat pwedeng gayahin ay iba iba ito base sa “risk tolerance” at sa “depth” ng pagaaral… medyo “stressful” din ito dahil kelangan inaabangan mo ang “market value” ng imbestment mo at dun papasok ang “reaction” kung bili pa, hold muna o benta na…

ang mga lamesa (table) sa baba ay buod ng ibat ibang bersyon, makikita ang % “return on investment” at “market value” ng 10,000 na kapital…

iniiwan ko na sa inyo ang pakahulugan sa lamesang to…

Case
“the holder”
“the fortune teller”
“the reactor”
Case A – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate hike)
10,400.00
(+4.00%)
10,900.00
(+9.00%)
10,650.00
(+6.50%)
Case B – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate cut)
9,700.00
(-3.00%)
10,750.00
(+7.50%)
10,250.00
(+2.50%)
Case C – kapag ang interest rate ay “pataas” (rate hikes)
10,179.00
(+1.79%)
(pwedeng lagpasan to pag bumabase sa bsp interest rates)
11,137.00
(+11.37%)
10,716.00
(+7.16%)
Case D – kapag ang interest rate ay “pababa” (rate cuts)
11,954.00
(+19.54%)
12,478.00
(+24.78%)
11,659.00
(+16.59%)

pwedeng balikan ang mga sumusunod para sa mga detalye ng pagaaral na to –
Bond Fund Review Case D – kapag ang interest rate ay“pababa” (rate cuts)

dyan muna tayo... hanggang sa muli... tinginingining...


Bond Fund Review Case D – kapag ang interest rate ay “pababa” (rate cuts)


ang nakaraans –

ano ulit ang “basic”?  
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
isasama natin ang “fluctuations” sa pagaaral na to

ito ang “case D” kung saan ang interest rate ay pababa mula 4.5, 4.25, 4, 3.75, at 3.25… ayon sa tsismis ay di muna “considered” ng banko sentral ng pilipinas (bsp) ang “rate cut” (as of this writing) kaya baka ito na ang pinakahuling “rate cut”… pakibudburan ng asin…

tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) pebrero 8, 2019 – abril 13, 2020

sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.63, pinakamababa sa 1.62, pinakamataas at nagtapos sa 1.95… kita natin ang 3 pares ng “trend” di na natin sinama ang huling “trend” sa “analysis”… “visual accessory” na lang… ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…

tsart 2 – bersyon 1 “the holder”

kita ang “return on investment” kada navpu sa tsart 2… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case D”, pansin nyo na halos walang paperloss… kaya wag na nating pansinin
natapos ang “case D” na merong +19.54% “return”

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 1,954.00
market value – 11,954.00

igiit lang natin ang ideya na ito… ginamit nating hudyat ang isang “rate cut” at nakahold lang tayo hanggang sa sinusulat natin to dahil sa sunod sunod ang “rate cut” at wala pang “rate hike”

hanggang saan kaya tayo aabutin? aabot kaya tayo ng 30% bago magkaroon ng “rate cut”?
e kumustahin kaya natin ang manghuhula?..

tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”

sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… may 4 pares ng “trend”… kaya may apat na pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3, ito ang mga “returns” natin – 4.82%, 11.14%, 3.42% at 5.40%... kung walang “compounding”, nasa 24.78% ang “return” natin…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 2,478.00
market value – 12,478.00

sino dito ang manghuhulang may uitf?.. patulong us...

bersyon 3 na nga tayo…

tsart 4 – bersyon 3  “the reactor”

sa tsart 4, “the reactor” ang “returns” ay 3.91%, 8.24%, 1.62% at 2.82%... pag pinagsama, nasa 16.59%...

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 1,659.00
market value – 11,659.00

aral, “caveat” at mga payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case D” gamit ang 10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 11,954.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 12,478.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 11,659.00

kung babalikan nyo ang mula “case A” hanggang “case C” may kakaiba sa “case D”… pansinin ang “the holder” at “the reactor”… mas mataas si “the holder” kesa “the reactor” di ba? ibig bang sabihin na di dapat puro “react”? e di sige…

ito na ang huli sa “series” na ito – ang bond fund review

tandaan na ito ay para sa pagaaral lamang, lahat ng isinulat sa blog na ito ay dapat binubudburan ng asin… gumawa rin ng sariling pagaaral para makahanap ng diskarte na swak sayo…

pagiisipan ko pa kung gagawa ako ng buod ng “series” na ito…

pero sa ngaun… paalam muna mga kapwa utaknewbie… tinginingining…

Sunday, May 17, 2020

Bond Fund Review Case C – kapag ang interest rate ay “pataas” (rate hikes)


ang nakaraans –

ulit ng makulit –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
may “fluctuations” pa rin kaya isasama natin sa pagaaral na to

ulit – para lang ito sa malilikot…

ito ang “case C” kung saan ang interest rate ay pataas mula 3.25, 3.5, 4, 4.5, 4.75, maliban sa huling araw na bumalik sa 4.5 (“rate cut”)…

tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) mayo 11, 2018 – pebrero 7, 2019

sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.60, pinakamababa sa 1.51, pinakamataas sa 1.64 at nagtapos sa 1.63… kita natin ang 2 pares ng “trend”… ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…

tsart 2 – bersyon 1 “the holder”

sa tsart 2 kita ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case C”, pansin nyo na umabot sa -5.60% ang paperloss…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 560.00
market value – 9,440.00

kung walang problema sayo ang ganyang paperloss, kakayanin mo hanggang matapos ang “case C”…

pero tandaan na kapag nagbabase ka lang sa galaw ng “interest rates” di ka na dapat pumasok, dahil pataas ito (rate hike)

e pano kung tinuloy mo pa rin at tinapos ang “case C”? magkakaroon ka ng +1.79% na “return”

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 179.00
market value – 10,179.00

“worth it” ba sayo ang posibilidad na kumita ng +1.79% kasama ang posibilidad na magkaroon ng paperloss na -5.60%? kung hindi, maiging iwasan ang bond fund tuwing “rate hikes”… “at all costs”…

ano pa nga ba ang susunod? e di yung kamaganak ni madam auring…

tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”

tulad ng dati sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… may 2 pares ng “trend”… kaya may dalawang pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3, ito ang mga “returns” natin – 2.35% at 9.02%... kung walang “compounding”, nasa 11.37% ang “return” natin…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 1,137.00
market value – 11,137.00

hanapin na ba natin si madam auring?..

lipat tayo sa bersyon 3…

tsart 4 – bersyon 3  “the reactor”

base sa tsart 4, “the reactor” ang “returns” ay 0.58%, at 6.58%... pag pinagsama, nasa 7.16%...

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 716.00
market value – 10,716.00

aral, “caveat” at mga payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case C” gamit ang 10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 10,179.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 11,137.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,716.00

ginawa lang natin ang bersyon 1 para makita ang “return” pero kung sinusunod mo ang galaw ng “interest rates” di na dapat nangyari yan…

pero… yung “the reactor” mukhang pwede sya sa tatlong nagawa na natin… mula “case A”, “case B” at kahit pa may “rate hike” sa “case C”… tingin nyo?

subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…

hanggang sa huling case… tinginingining…

Saturday, May 16, 2020

Bond Fund Review Case B – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate cut)

ang nakaraans –

ulit –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
andyan pa rin ang “fluctuations”
kung isasama natin ang “fluctuations”, baka may pwedeng gawin para sa mas magandang “return on investment”

ulit – para lang ito sa malilikot…

ito ang “case B” kung saan ang interest rate ay “stable” sa 3, maliban sa huling araw na nasa 3.25 (“rate hike”)… tandaan na katatapos lang ng “rate cut” bago ang case B

tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) hunyo 24, 2016 – mayo 10, 2018


sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.72, pinakamababa sa 1.56, pinakamataas sa 1.78 at nagtapos sa 1.59… kita natin ang 2 pares ng “trend”… ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…


tsart 2 – bersyon 1 “the holder”

kita sa tsart 2 (paunawa, namali ang petsa) ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case B”, pansin nyo na umabot sa -6.05% ang paperloss…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 605.00
market value – 9,395.00

kung kaya mo yan, ibig sabihin ayos lang sayo maging “holder” ng bond fund kung ito ay “stable”… sa bandang huli natapos ang “case B” na umabot sa halos -3.00% ang paperloss… pa rin…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 300.00
market value – 9,700.00

samakatwid, di maganda ang “hold” kung itong “case B” ang paguusapan… lipat tayo sa paboritong bolang kristal…

tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”

sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… sabi natin may 2 pares ng “trend”… ibig sabihin may dalawang pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3 (paunawa, namali ang petsa), ito ang mga “returns” natin – 3.25% at 4.25%... kung walang “compounding” na magaganap, nasa 7.50% ang “return” natin…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 750.00
market value – 10,750.00

dabes talaga kung may bolang kristal no?..
lipat tayo sa bersyon 3…

tsart 4 – bersyon 3  “the reactor”

base sa tsart 4 (paunawa, namali ang petsa), “the reactor” ang “returns” ay 1.50%, at lagpas 1.00%... pag pinagsama, nasa 2.50%...

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 250.00
market value – 10,250.00

aral, “caveat” at mga payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case B” gamit ang 10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 9,700.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 10,750.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,250.00

subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…

hanggang sa muli… tinginingining…

Monday, May 11, 2020

Bond Fund Review Case A – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate hike)



ang nakaraan –
paglilinaw - ang post na yan ay di nasunod ang eksaktong petsa ng "rate cuts" at "rate hikes"... pero sa mga pagaaral sa "series" na to, susundan natin ang eksaktong petsa...

napagalaman natin ang reaksyon ng bond fund sa pagbabago ng interest rates
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
pero nalaman din natin na may mga “fluctuations” pa rin…

kung ibabase lang natin sa galaw ng interest rates ay maaaring ganito ang pwede nating gawin
kapag may “rate” cut – bumili ng units, pwedeng kada “rate cut” ay magdagdag ng units
kapag “stable” ang interest rates – “hold”… wag muna bumili o tumigil muna sa pagdagdag ng units
kapag may “rate hike” – magbenta ng units, pwedeng kada “rate hike” ay magbawas ng units
pero kung isasama natin ang “fluctuations”, baka may pwedeng gawin para sa mas magandang “return on investment”

kung ikaw ay di malikot at galit sa pagtitrade ng uitf – lalo ang bond fund, wag na ituloy ang pagbabasa, masasaktan ka lang…

ito ang “case A” kung saan ang interest rate ay “stable” sa 4, maliban sa huling araw na nasa 3 (“rate cut”)

tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) abril 14, 2015 – hunyo 23, 2016
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.66, pinakamababa sa 1.62, nagtapos at pinakamataas sa 1.72… kita natin ang 3 pares ng “trend”… ibabase natin dyan ang mga pagaaral sa baba…

tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita sa tsart 2 ang “return on investment” kada navpu… kaya kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case A”, pansin nyo na umabot sa -2.50% ang paperloss…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
paperloss – 250.00
market value – 9,750.00

kung kaya mo yan, ibig sabihin ayos lang sayo maging “holder” ng bond fund kung ito ay “stable”…
sa bandang huli natapos ang “case A” na umabot sa halos +4.00% ang papergain…

ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 400.00
market value – 10,400.00

ayos na rin di ba? pero sayang din yung -250.00. paano kung doon tayo nagsimulang bumili? aba! kelangan na natin ng bolang kristal nyan… para sa katuwaan, tingnan natin kung magkano ang “return on investment” ng isang trader na may bolang kristal…
  
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
kung babalikan nyo ang tsart 1, dun nakabase ang malamanghuhulang diskarte na to… sabi natin may 3 pares ng “trend”… ibig sabihin may 3 pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang tsart 3, ito ang mga “returns” natin, “roundoff” na lang natin para hapi – 2%, 1% at 6%... kung walang “compounding” na magaganap, nasa 9% ang “return” natin…

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 900.00
market value – 10,900.00

ayos kung may bolang kristal no? e pano kaya kung pati maliliit na “fluctuations” ay pinatulan pa… hayahay sana ang buhay…

lipat tayo sa malikot pero makatotohanan… ang bersyon 3

tsart 4 – bersyon 3  “the reactor”
kelan mas magandang bumili ng isang asset? kung alam mong tataas ang halaga. kelan mas magandang magbenta ng isang asset? kung alam mong pababa ang halaga. madali sabihin, pero ang tanong ay kung “alam mo ba?”

pwede mong aralin ang “fluctuations”, minsan kasi yung pagbaba ng bahagya ay baka hudyat para sa mas mabilis na pagangat… ganun din pag tumaas ng minsan, di ibig sabihin na hudyat na yun para bumili, baka kasi bigla na lang bumilis ang pagbaba… pwede kang magtakda kung ilang porsyento bago bumili o magbenta… kaya “the reactor” tawag natin kasi aantayin muna galaw ng presyo, at “react” base dun…

halimbawa, +1% ang tinakda mo bago bumili at nasa 1.010000 ang pinakamababang navpu? bibili? hindi. naging 1.009000, bibili? hindi. naging 1.000001, bibili? hindi. naging 1.000000, bibili? hindi. bumalik sa 1.009000, bibili? hindi. naging 1.010000, bibili? oo. kasi ang pinakahuling pinakamababa ay 1.000000 at kapag nagdagdag ka ng 1%, base sa itinakda mo ay papalo yan sa 1.010000. pero syempre, ang mabibili mo ay yung susunod na presyo na, dahil wala namang nakakaalam ng navpu hanggat di pa tapos ang transaksyon (bili o benta man). pansin mo? na kapag bibili ka, di yung mismong presyo dapat ang inaabangan mo? kundi yung “galaw” nya?

halimbawa lang yan, kelangan magtakda ka ng sarili mong porsyento…

kung base sa tsart 4, “the reactor”, ang “returns” ay 1.50%, halos 0.00%, at lagpas 5.00%... pag pinagsama, nasa 6.5%...

ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 650.00
market value – 10,650.00

aral, “caveat” at mga payo

balikan lang natin kung ano ang karaniwang tingin sa uitf… base sa klase

equity funds – mas mataas na “risk tolerance” at mas matagal na “investment horizon”… dahil yan sa malaking paggalaw… isipin mo na lang na galing ang index fund mula 9k at ngayon nasa 5k tayo, tumataginting na -44.44%... at isipin mo rin na ilang taon ang kelangan ng mula 5k patungong 9k…

bond funds – nasa “medium” dapat ang “risk tolerance” mo, pati “investment horizon” ay medium din… dahil hindi ganun kalikot gumalaw ang bonds at government securities, at kahit bumaba man ng -20%, ay di naman ganun katagal bago bumalik sa “average value”…

money market fund – “conservative risk tolerance” at mas maigsing “investment horizon”…dahil maliit lang ang paggalaw at “generally upward”… kung bumaba man ay mababawi naman ito ng ilang linggo…

dahil dyan, ay papayuhan ka ng “hold ka lang” babalik din yan… pero kung may magagawa para sa mas mataas na “return on investment”, e di yun ang  gawin… tama?

e kung ganun dapat “trade” na lang lahat? di naman maganda yun dahil kung mas malikot ka gumalaw baka yun pa ang dahilan ng pagkalugi mo… kaya dapat hanapin mo yung “sweet spot” ng paggalaw base sa “asset” at sa “lifestyle” mo… baka sapat na ang “weekly” na paggalaw mo sa “investment” mo… wag gayahin ang mga eksperto, dahil utaknewbie tayo… ako lang pala… walang tayo…

rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case A” gamit ang 10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 10,400.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 10,900.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 10,650.00

subukan nyo rin aralin ang ibang bond fund para malaman nyo ang magandang utaknewbie diskarte…

hanggang sa muli… tinginingining…