Sunday, May 24, 2020

Bond Fund Review – Buod



bilang pagtatapos sa “series” na ito, gusto ko lang balikan ang “returns on investment” ng tatlong ibat ibang bersyon – “the holder”, “the fortune teller”, at ang “the reactor” sa apat na “cases” na napagusapan na natin. pero ang totoo nyan ay dalawa lang ang pwede nating gawin dyan, maliban na lang kung nahanap na natin kung sino may hawak ng “bolang kristal" sa imbestment…

ang pinakamadaling gawin ay ang “the holder” dahil naniniwala ito sa “looong term” at walang masama dun… di gaano “stress”… hayahay… pasok pa din naman sa “the holder” kapag bumitaw sa hudyat ng interest rates base sa banko sentral ng pilipinas… yan ay kapag may “rate hike” na…

ang “the reactor” bagamat pwedeng gayahin ay iba iba ito base sa “risk tolerance” at sa “depth” ng pagaaral… medyo “stressful” din ito dahil kelangan inaabangan mo ang “market value” ng imbestment mo at dun papasok ang “reaction” kung bili pa, hold muna o benta na…

ang mga lamesa (table) sa baba ay buod ng ibat ibang bersyon, makikita ang % “return on investment” at “market value” ng 10,000 na kapital…

iniiwan ko na sa inyo ang pakahulugan sa lamesang to…

Case
“the holder”
“the fortune teller”
“the reactor”
Case A – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate hike)
10,400.00
(+4.00%)
10,900.00
(+9.00%)
10,650.00
(+6.50%)
Case B – kapag ang interest rate ay “stable” (pagkatapos ng rate cut)
9,700.00
(-3.00%)
10,750.00
(+7.50%)
10,250.00
(+2.50%)
Case C – kapag ang interest rate ay “pataas” (rate hikes)
10,179.00
(+1.79%)
(pwedeng lagpasan to pag bumabase sa bsp interest rates)
11,137.00
(+11.37%)
10,716.00
(+7.16%)
Case D – kapag ang interest rate ay “pababa” (rate cuts)
11,954.00
(+19.54%)
12,478.00
(+24.78%)
11,659.00
(+16.59%)

pwedeng balikan ang mga sumusunod para sa mga detalye ng pagaaral na to –
Bond Fund Review Case D – kapag ang interest rate ay“pababa” (rate cuts)

dyan muna tayo... hanggang sa muli... tinginingining...


No comments:

Post a Comment