ang nakaraans –
ano ulit ang “basic”? –
kapag may “rate cut” - aakyat ang bond fund…
kapag “stable” ang interest rates – “sideways”
kapag may “rate hike” - bababa ang bond fund…
isasama natin ang “fluctuations” sa pagaaral na to
ito ang “case D” kung saan ang interest rate ay pababa mula 4.5,
4.25, 4, 3.75, at 3.25… ayon sa tsismis ay di muna “considered” ng banko
sentral ng pilipinas (bsp) ang “rate cut” (as of this writing) kaya baka ito na ang pinakahuling
“rate cut”… pakibudburan ng asin…
tsart 1 – navpu ng sbpsuit (sb peso bond fund) pebrero 8,
2019 – abril 13, 2020
sa tsart, nagumpisa ang navpu sa 1.63, pinakamababa sa 1.62,
pinakamataas at nagtapos sa 1.95… kita natin ang 3 pares ng “trend” di na natin
sinama ang huling “trend” sa “analysis”… “visual accessory” na lang… ibabase
natin dyan ang mga pagaaral sa baba…
tsart 2 – bersyon 1 “the holder”
kita ang “return on investment” kada navpu sa tsart 2… kaya
kung nakabili ng units at “hold” lang tayo hanggang sa pagkatapos ng “case D”,
pansin nyo na halos walang paperloss… kaya wag na nating pansinin
natapos ang “case D” na merong +19.54% “return”
ibig sabihin
kapital – 10,000.00
papergain – 1,954.00
market value – 11,954.00
igiit lang natin ang ideya na ito… ginamit nating hudyat ang isang “rate cut” at nakahold lang tayo
hanggang sa sinusulat natin to dahil sa sunod sunod ang “rate cut” at wala pang
“rate hike”…
hanggang saan kaya tayo aabutin? aabot kaya tayo ng 30% bago
magkaroon ng “rate cut”?
e kumustahin kaya natin ang manghuhula?..
tsart 3 – bersyon 2 “the fortune teller”
sa tsart 1 nakabase ang “fortune teller”… may 4 pares ng
“trend”… kaya may apat na pagkakataon para kumita… kung titingnan nyo maigi ang
tsart 3, ito ang mga “returns” natin – 4.82%, 11.14%, 3.42% at 5.40%... kung
walang “compounding”, nasa 24.78% ang “return” natin…
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 2,478.00
market value – 12,478.00
sino dito ang manghuhulang may uitf?.. patulong us...
bersyon 3 na nga tayo…
tsart 4 – bersyon 3
“the reactor”
sa tsart 4, “the reactor” ang “returns” ay 3.91%, 8.24%,
1.62% at 2.82%... pag pinagsama, nasa 16.59%...
ibig sabihin…
kapital – 10,000.00
papergain – 1,659.00
market value – 11,659.00
aral, “caveat” at mga
payo
rebyu natin ang tatlong bersyon ng “case D” gamit ang
10,000.00 na kapital.
bersyon 1 “the holder” ay nagkaroon ng 11,954.00
bersyon 2 “the fortune teller” ay nagkaroon ng 12,478.00
bersyon 3 “the reactor” ay nagkaroon ng 11,659.00
kung babalikan nyo ang mula “case A” hanggang “case C” may
kakaiba sa “case D”… pansinin ang “the holder” at “the reactor”… mas mataas si
“the holder” kesa “the reactor” di ba? ibig bang sabihin na di dapat puro “react”?
e di sige…
ito na ang huli sa “series” na ito – ang bond fund review
tandaan na ito ay para sa pagaaral lamang, lahat ng isinulat
sa blog na ito ay dapat binubudburan ng asin… gumawa rin ng sariling pagaaral
para makahanap ng diskarte na swak sayo…
pagiisipan ko pa kung gagawa ako ng buod ng “series” na ito…
pero sa ngaun… paalam muna mga kapwa utaknewbie…
tinginingining…
No comments:
Post a Comment